• Home
  • Photos
  • LOOK: Old photos of Liza Soberano before her rise to fame

LOOK: Old photos of Liza Soberano before her rise to fame

Nagkaroon din ng reunion si Liza Soberano kasama ang mga dating kaibigan na sina Roselyn at Arischelle sa isang episode ng Magandang Buhay.

BY PUSH TEAM

PHOTOS

2/15/2019 6:08 PM

Kasama ang mga dating klasmeyt at kaibigan sa isang elementary school sa Pangasinan, binalikan ng Alone/Together lead actress na si Liza Soberano ang ilang childhood memories sa episode ng Magandang Buhay, February 15.

Ayon kina Roselyn at Arischelle, noon pa man ay walang ka-arte arte na si Liza. "Kapag (isa siya sa) cleaners po, talagang maglilinis po siya," kwento ni Roselyn.

Habang kwento naman ni Arischelle, maraming na talagang nagkaka-crush kay Liza kahit noon pa man. "Marami po talagang nagka-crush sa kanya. Kasi iba po talaga ang mukha niya," aniya.

Taong 2008 nang lumipat si Liza sa Pilipinas para manirahan at mag-aral. Bilang pinanganak at lumaki sa mga lolo't lola sa California, nakasama naman niya sa Pangasinan ang ama at kapatid.

Para kay Liza, naging malaking parte sa kanya ang pagkakaroon ng kaibigan tulad nina Roselyn at Arischelle. "Malaking bagay po na nag-aral ako sa Pangasinan at nakilala ko sila. Feeling ko the experience there has brought me so much humility.”

"Atsaka whenever I'm having a hard time, like sa pagiging adult, or with my career now, parang naiisip ko lang ‘yung mga happy moments ko with them. I always go back to the person I was before I became Liza," pahayag ni Liza sabay nagpasalamat sa kanyang mga kaibigan.

Samantala, nagpasalamat din ang aktres sa natanggap na suporta mula sa mga fans matapos umabot ng halos 21 million pesos ang kinita ng bago niyang pelikulang Alone/Together sa loob lamang ng isang araw.