Jolo Revilla, pinakilala ang bagong babae sa kanyang buhay

Nagpalitan ng ‘I love yous’ sina Jolo Revilla at Angelica Alita sa kani-kanilang Valentine's Day posts.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/15/2019 11:12 AM
Jolo Revilla, pinakilala ang bagong babae sa kanyang buhay


Photo credit: @jolo_revilla IG

Masayang nag-celebrate si Jolo Revilla ng Valentine's Day nang ipakilala niya ang bagong babae sa kanyang buhay, si Angelica Alita. 

Sa Instagram post ng actor noong February 14, nag-iwan siya ng isang matamis na mensahe para sa Bb. Pilipinas 2016 runner-up. "Angel, happy valentine's day! Totoong masaya ang puso ko ngayon because I have you in my life. You've been caring, loving and supportive to me. I love you and will always will. ️," sabi ni Jolo kasama ang isang larawan nilang dalawa na magka-akbay.

 

Sa hiwalay naman na post ni Angelica, maikling sumagot ito ng, "Hey handsome, thank you for being so thoughtful. Happy valentine's day. I love you," kasama ang larawan niya na may hawak ng isang bouquet ng bulaklak galing kay Jolo. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hey handsome, thank you for being so thoughtful. Happy valentine's day. I love you 💕

A post shared by Angel Tripp (@angelicaalita) on

 

Dalawang linggo na ang nakakalipas nang mag-umpisang pag-usapan na nililigawan ni Jolo ang Bb. Pilipinas 2016 runner-up. Ito ay matapos makita si Angelica sa isang larawan mula sa birthday celebration ng anak ni Jolo na si Gab.

READ: Is Jolo Revilla dating Bb. Pilipinas 2016 1st runner-up Angelica Alita?

Si Jodi Sta. Maria ang huling naka-relasyon ni Jolo, na nagtapos sa Hulyo ng nakaraang taon. Habang si Angelica naman ay mula rin sa isang two-year relationship kay Brian Poe Llamanzares, isang business man na anak ni Senator Grace Poe.

READ: Jodi Sta. Maria on her relationship status: 'I have been single since last year'