• Home
  • Photos
  • LOOK: Couple Jennica Garcia and Alwyn Uytingco celebrate anniversary in Divisoria

LOOK: Couple Jennica Garcia and Alwyn Uytingco celebrate anniversary in Divisoria

“An anniversary spent ANYWHERE is fine with me as long as I spend it with you,” Jennica wrote in post along with a photo with husband, Alwyn Uytingco for their 9th anniversary.

BY PUSH TEAM

PHOTOS

2/14/2019 7:14 PM

Isang simple ngunit sweet na selebrasyon ang napagkasunduan ng mag-asawang sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco para sa kanilang ninth anniversary bilang mag-partners. 

 

Sa Instagram post ni Jennica kahapon, February 13, ibinahagi ng aktres ang ilang larawan mula sa kanilang Divisoria shopping para sa kanilang online business na tinawag na Duende In A Pot.

 

"Today marks our 9th Anniversary. We celebrated it at Divisoria! Hahahaha! 😂 May mga kulang kasi para sa munti naming plant shop na @duwendeinapot [sic].”  

 

Mula sa pagsakay sa tricycle hanggang sa pagkain sa food court sa Divisoria, makikita ang pagiging sweet ng dalawa.

 

"An Anniversary spent ANYWHERE is fine with me as long as I spend it with you [sic]," dagdag ni Jennica sa post. 

 

Sa parehong post din ay ikinuwento ni Jennica ang mga pinagdaanan nila bilang mag-asawa, at nag-iwan ng kanyang sweet na mensahe para kay Alwyn.

 

"Last year was the hardest on our marriage. It was our toughest so far but our never changing God did not fail us and remained faithful. We surpassed the hardships, tears and the wounds of 2018 and come 2019, we loved each other more than we ever did. My heart's desire is for you to know and feel that you are valued and loved in our home. Mahal kita Alwyn. Mas mahal pa kita ngayon kaysa noon. Happy Anniversary sa atin," aniya.

 

Samantala, nagpaabot din ng pagbati si Alwyn para sa kanyang asawa sa kanyang Instagram account. Dito, nagpost si Alwyn ng mga litrato ng kanilang pamilya.

 

Taong 2014 nang ikasal ang dalawa na ngayon ay may dalawang anak na sina Athena at Alessi.