Xian Lim, istrikto nga ba bilang direktor?

Hindi pa rin makapaniwala ang first time director sa kanyang bagong proyekto.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/14/2019 1:24 PM
Xian Lim, istrikto nga ba bilang direktor?


Looking forward ngayon ang aktor na si Xian Lim sa kanyang ginagawang proyekto para sa Cinemalaya 2019.

Matatandaan na kamakailan, ipinagmalaki ni Xian ang kanyang bagong pagkakaabalahan bilang isang ganap na direktor.

READ: Xian Lim's self-directed film gets into Cinemalaya 2019

“Grabe sa lahat ng sumusunod sa Instagram ko, sa social media ko, I think I haven’t been posting the usual pre-production stage. We already shot day 1 and day 2 ng movie,” bungad na kuwento ni Xian sa PUSH.

 

“Kakaiba ang feeling, it’s a different world, different experience all throughout kaya masasabi ko, very exciting year ang 2019,” patuloy pa niyang kuwento.

At kung tatanungin kung mahigpit ba siyang director, “No!,” aniya.

“I think, ako naman I’ve had my share of experience din sa mga nakatrabaho kong director (as an actor). I mean may mga rules or vibe or ambiance ako na gusto ko maalagaan (ko) ang mga tao ko,” paliwanag niya. 

“I want to just have everyone and ‘yung fun na ‘yun, I wanted to transmit doon sa project naman, it’s more of a passion, passion lang talaga,” sabi pa ng actor-director.

Aminado rin si Xian na hanggang sa ngayon, hindi pa rin niya maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para sa kanyang first directorial movie.

READ: Xian Lim to mark directorial debut with a psychological-thriller film

“This is a huge step for me, I mean I’m proud of what I am doing with Cinemalaya 2019, this is just a dream come true para sa akin. Ibang-iba ang pakiramdam, I mean everything is so new and exciting,” pahayag pa niya.

Sa pagbubukas ng Cinemalaya 2019, mapapanood ang unang proyekto ni Xian bilang isang direktor.