Winwyn Marquez confirms break-up with Mark Herras

Ano nga ba ang naging dahilan ng hiwalayan nina Winwyn Marquez at Mark Herras?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/14/2019 2:35 PM
Winwyn Marquez confirms break-up with Mark Herras


Photo credit: @teresitassen/ @ markinianstheofficial on IG

Tila hindi happy ang Valentine’s Day ngayon ng beauty queen-actress na si Winwyn Marquez kasunod ng kanyang pagkumpirma sa naging hiwalayan nila ng nobyo na si Mark Herras.

Sa naging pahayag ni Winwyn sa entertainment press, inamin niya ang kasalukuyang estado ng relasyon niya sa boyfriend na Mark Herras. “We’re both okay, naghiwalay kami ng maayos. Yeah, it was a mutual decision, walang away, walang third party. Hindi talaga yun ang naging reason,” kuwento ni Winwyn sa media conference ng kanyang pelikuka na Time and Again ng Regal Entertainment.

“Walang third party, it’s a mutual decision and we’re both okay,” paglilinaw ni Winwyn.

Ayon pa sa beauty queen-actress, maayos sila ngayon at nananatiling magkaibigan. “We’re doing our own things. He’s doing his own things. I’m doing my own works so yeah,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, abala si Winwyn sa kanyang proyekto at sa posibilidad na muling sumali sa Binibining Pilipinas 2019.

Mapapanood ang Time and Again ngayong February 20. Ito ay mula sa direksyon ni Joey Reyes.