• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz on being a single mom: “I was really scared before”

Sunshine Cruz on being a single mom: “I was really scared before”

Ipinaliwanag ni Sunshine Cruz kung bakit siya nag-pursiging magtapos ng kolehiyo kahit may mga anak na.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/14/2019 4:35 PM
Sunshine Cruz on being a single mom: “I was really scared before”


Photo credit to: @sunshinecruz718 on IG

Kasama ang isa sa kanyang mga anak, ikinuwento ni Sunshine Cruz sa episode ng Magandang Buhay ngayon February 14 ang mga pinagdaanan noong bagong hiwalay siya sa dating asawa na si Cesar Montano. Pag-amin ni Sunshine, natakot siya na maging ganap na single mom gawa ng kaniyang pinansyal na kapasidad.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Trabaho na muna si Mommy Sunshine.😉 Salamat po sa lahat ng suporta. God bless us all!

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

 

"I was really scared before, wala akong pera eh, wala akong naipon, less than a hundred thousand pesos lang ang pera ko sa bangko noon," kwento ni Sunshine habang binabalikan ang pakikipag-annul ng kasal kay Cesar Montano noong 2013. 

"I was really scared kasi sabi sa’kin ng ibang tao, 'Matanda ka na. Hindi ka na marunong umarte. Hindi ka naman maganda. You were just a sexy star before.' Akala ko wala na akong mapupuntahan," dagdag ni Sunshine.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Magandang Buhay with Sam in a few ❤️

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

 

Ayon sa aktres, isang blessing din para sa kanya ang taong 2013, dahil ito rin ang panahong tinanggap siya muli ng ABS-CBN para sa isang teleserye. "But 2013 was a blessing to me. Nagkaroon ako ng heartache but at the same time, I've proven to myself and to everyone na merong second chance sa buhay at naibigay sa akin 'yon."

READ: Sunshine Cruz and Cesar Montano’s marriage is finally annulled

Samantala, sa parehong episode rin ay ipinaliwanag ni Sunshine kung bakit nagpursigi siya sa pagtatapos ng kolehiyo kahit siya ay may mga anak na. 

"There was a time na, ‘Ano ba 'to, advice ako nang advice sa mga anak ko na mag-aral, pero ako hindi ako nakatapos ng pag-aaral.’ 

"That is why, kahit napakahirap sa akin ang maging isang working single mom, tinapos ko talaga pag-aaral ko. Nag college ako, pinakita ko sa kanila na it’s never too late for me and para maging inspirasyon din ako para sa mga anak ko," sabi ni Sunshine na hinangaan naman ng mga momshie- hosts.

Taong 2017 nang magtapos ng kolehiyo si Sunshine sa Arellano University sa kursong BA Psychology. 

READ: Sunshine Cruz wants to pursue a Master’s Degree

READ: EXCLUSIVE: Sunshine Cruz plans to become a teacher in Psychology

Sa ngayon, aabangan si Sunshine sa bagong pelikula kasama sina Martin Del Rosario at Kiko Estrada na My Stepmother's Lover.