• Home
  • Fresh Scoops
  • Showbiz couples, may tips and advice ngayong Valentine’s Day

Showbiz couples, may tips and advice ngayong Valentine’s Day

Ibinahagi ng ilang showbiz personalities ang kanilang secret sa matibay na relasyon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/14/2019 12:35 PM
Showbiz couples, may tips and advice ngayong Valentine’s Day


Iba’t ibang plano at tips ang na-i-share ng ilang kilalang celebrities ngayong araw ng mga puso.

Una na dito si Matteo Guidicelli na may planong kilig surprise para sa girlfriend na si Sarah Geronimo.

“Opo! Ipapa-block off ko ngayon. Iisa na manager namin (laughs). Sana wala (work si Sarah),” ani Matteo.

Ang Kapamilya actress naman na si Bea Alonzo, tila may sorpresang regalo para kay Gerald Anderson.

“Nako hindi ko pa na plano yan, tulungan mo ako ano ba ang uso ngayon,” sabi pa ni Bea.

Si Xian Lim naman, aminadong hindi ipinaplano ang pag-celebrate ng Valentine’s Day.

“Hindi kasi kami nagpa-plano, so being spontaneous lang. Usually magkasama lang kami minsan a day before, kasi usually pag pina-plano baka hindi matuloy so if it’s spontaneous, more fun and exciting,” ani Xian.

Ang mag-asawang sina Patricia Javier at Doctor Rob Walcher na kahit magkaiba ang kultura give and take naman pagdating sa kanilang relasyon.

“Ang hirap po sa amin ‘di ba nose bleed ako lagi may language barrier kami (laughs). My husband is very understanding, he is trying to learn to be a Filipino,” sabi pa ni Patricia.

“You have to compromise like what she said earlier give and take! Take the good with the bad and be supportive,” tugon ni Doc Rob.

Hindi din daw hadlang ang malaking age gap para kay Beauty Gonzalez at Norman Crisologo.

Kuwento nila, ang pakikinig sa isa’t-isa ay may malaking halaga para sa isang relasyon.

“For me, you just have to listen a lot to what your partner needs,” sabi ni Norman.

“Hoy! I listen ha! Inunahan ko na (laughs). He listens a lot obviously (laughs),” masayang sabi ni Beauty.

“Marriage is team work talaga. Hindi pwede isa lang,” pahayag pa ng aktres.