Lorin Gutierrez describes mom Ruffa as a ‘cool mom’

May advice rin si Ruffa Gutierrez sa kanyang anak na si Lorin: "Bihira na lang ngayon first boyfriend mo, forever."

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/14/2019 4:46 PM
Lorin Gutierrez describes mom Ruffa as a ‘cool mom’


Masayang nagbigay ng love advice si Ruffa Gutierrez para sa kanyang anak na si Lorin sa episode ng Magandang Buhay ngayon February 14. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Syempre, ang mga anak ko ang forever love ko - @iloveruffag to her daughter @loringabriella 💛 #ForeverMOMahalin

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

 

Ayon kay Ruffa, nagbago ang tingin niya sa pag-ibig dahil sa mga pinagdaanan niya noon. "Simple lang konsepto ko ng love noon. Siyempre nagmamahal tayo and binibigay natin lahat, and iniisip natin, kung sino minahal natin noon, forever na ‘yon. Hindi pala gano’n, marami pala talaga tayong pagdadaanan bago mag forever.”

"Bihira na lang ngayon [‘yung] first boyfriend mo, forever. Lorin ha. ‘Wag mong isipin na pag may boyfriend ka in the future, pagdating mo ng 25, asawa mo na ‘yon, hindi," isang mabilis na advice ni Ruffa sa anak na si Lorin.

Aminadong naging pasaway sa kanyang ina na si Annabelle Rama noon, hiniling naman ng single mom na si Ruffa na maging masunurin sana ang dalawang anak na sina Lorin at Venice.

"So Lorin, ‘wag kang sasagot sagot sa akin ha. ‘Wag mo kong pahirapan. Choose a guy one day when you're 30 years old na God-fearing - oh sige, 25 years old. God-fearing, mabait, and talagang aalagaan ka and mamahalin ka for who you are," dagdag na advice ni Ruffa.

Proud din si Ruffa sa pagiging maluwag niya sa mga gustong gawin ng kanyang mga anak. Kaya sa naturang episode rin ay ipinaliwanag ng aktres sa mga momshie-hosts kung gaano kahalaga na suportahan ang mga anak ng walang pressure. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

slight throwback to shoot day! summer kiss by @kjmcosmetics completed this look⚡️

A post shared by lorin gutierrez (@loringabriella) on

 

"Alam mo kasi 'wag nating ipressure ang mga bata. Gusto ko kung ano gusto nila, doon natin sila suportahan. Kung sa arts, sa business, kasi kapag masyado nating pine-pressure ang mga anak natin, 'O kailangan maging lawyer ka, kailangan maging doctor ka,' hindi naman nila passion, ayaw nila ‘yon. Dapat maging masaya tayo sa ginagawa (nila)," pahayag ni Ruffa habang ipinagmamalaki si Lorin na ayon sa kanya ay isang Grade A student at planong mag-enroll sa pre-college program ng Stanford University o ng University of California, Los Angeles (UCLA).

Pag-amin naman ni Lorin, tinatawag na 'cool mom' ng mga kaibigan niya si Ruffa. "Never naman ako na-e-embarrass sa kanya kasi all my friends love my mom. Kasi she's really such a good mom. Like even all my friends, they find her so funny parang she's never been super strict, or super over-bearing. Parang she's just my best friend," pahayag ni Lorin na ikinangiti ni Ruffa. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

happy birthday mommy! thank you for all the unconditional love. everything is in the letter 💌

A post shared by lorin gutierrez (@loringabriella) on