• Home
  • Fresh Scoops
  • Kuh Ledesma, iwas muna sa hugot songs ngayong Valentine’s Day

Kuh Ledesma, iwas muna sa hugot songs ngayong Valentine’s Day

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/14/2019 12:06 PM
Kuh Ledesma, iwas muna sa hugot songs ngayong Valentine’s Day


Balik concert stage ngayong Valentine’s Day ang OPM artist na si Kuh Ledesma. Ito ang pagbabalik entablado ni Kuh kasama ang kapwa batikang mang-aawit na si Basil Valdez sa show na My Unforgettable Valentine’s.

 

“It’s been a long [time] that I have not done anything with Basil (Valdez) and it’s exciting again that we’re going to be together this Valentine’s Day,” kuwento ni Kuh.

Aniya, extra special sa kanya ang Valentine’s Day show na ito dahil sa kanilang special number para sa namayapang si Michel Legrand.

READ: Regine Velasquez pays tribute to the late Michel Legrand

“Alam mo napaka-special nitong Valentine’s Day show ko na ito. Also ‘di ba nag-pass away recently si Michel Legrand and both of us ni Basil, we love Legrand, so we’re both doing songs for him, may special tribute for him,” sabi pa ni Kuh.

At dahil napapanahong Valentine’s Day ang mga hugot songs, kuwento ni Kuh, iwas daw muna siya dito.

“I try not to sing too much of that pag-Valentine’s siyempre mas positive, we wanted to encourage them to stay in love. Pero ang Pilipino kasi mahilig talaga e, romantiko, malalim mag mahal,” patuloy pa ni Kuh.

“I have lived my life na naka-experience na maging broken hearted which I think dalawang beses na pero lahat ‘yan may purpose I think. Hindi lang para lumalim ang understanding mo for love, to love more deeply and walang expectations,” pahayag pa ng singer.

Bukod sa Valentine’s Day show, inihahanda na din ni Kuh ang kanyang 40th anniversary concert na magaganap ngayong 2019.