• Home
  • Fresh Scoops
  • Lani Misalucha, nagpa-sample ng impersonation ng sikat na kids’ characters tulad nina Mickey Mouse, Elmo at Cookie Monster

Lani Misalucha, nagpa-sample ng impersonation ng sikat na kids’ characters tulad nina Mickey Mouse, Elmo at Cookie Monster

Lani Misalucha, ginagaya ang boses nina Mickey Mouse, Elmo at Cookie Monster para sa kanyang apo

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/13/2019 12:15 PM
Lani Misalucha, nagpa-sample ng impersonation ng sikat na kids’ characters tulad nina Mickey Mouse, Elmo at Cookie Monster


Inamin ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha na hindi na rin kasing “reliable” katulad ng dati ang kanyang boses.

Sa interview niya with the King of Talk Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda, hinalintulad ni Lani ang boses ng tao sa isang kotse. “No, parang kotse na sampung taon na sa ‘yo. Kahit gaano mo siya aalagaan somehow pumapalya pa rin,” ani Lani. 

Although hindi na ganun ka-reliable ang boses ay hindi pa naman daw nasubukan ni Lani mag-voice lesson sa puntong ito ng karera niya. Pero ayon kay Lani, “There was this one teacher na na-meet ko sa Hawaii when I was living in Hawaii, tinuruan niya ako ng mga vocal exercises.” 

Sa tanong naman kung paano niya hina-handle ang expectations ng mga tao, lalo na kung sa isang concert ay panay ang request ng mga tao ng kanyang mga hit songs tulad ng “Loving You” at “Bukas Na Lang Kita Mamahalin,” ang sagot ni Lani ay, “Hindi mawawala, talagang inaantay ng tao. So kailangan ibigay.”

Nagpa-sample rin si Lani ng vocal impersonations niya ng sikat na mga children’s characters katulad nina Mickey Mouse, Cookie Monster, at Elmo. Nagsimula itong gawin ni Lani para sa mga apo niya lalo na daw para sa youngest niyang apo na si Leora. 

Sa tanong naman kung ano ang ayaw niya sa kaibigang si Regine Velasquez ang masasabi ni Lani ay, “Di ba nga meron siyang acid reflux, pagkatapos ang tindi pa niyang kumain ng chicharon na sinasawsaw sa suka … tapos hihigupin niya ang suka!” 

Nagpa-sample din si Lani ng version niya ng kanta ni Jaya na “Wala Na Bang Pag-ibig.” 

Balik bansa naman si Lani para sa Valentine concert niya kasama si Martin Nievera. 

LOOK: Lani Misalucha and Martin Nievera to serenade concertgoers with “Timeless Classics”