• Home
  • Fresh Scoops
  • Janella Salvador and Kiko Estrada star in Maalala Mo Kaya episode about Moira Dela Torre

Janella Salvador and Kiko Estrada star in Maalala Mo Kaya episode about Moira Dela Torre

Magsasama muli sa isang proyekto sina Janella Salvador at Kiko Estrada pero ngayon ay bilang magka-love team.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/13/2019 1:09 PM
Janella Salvador and Kiko Estrada star in Maalala Mo Kaya episode about Moira Dela Torre


Photo credit: @mmkofficial on Instagram

Balik TV ang mga Kapamilya stars na sina Janella Salvador at Kiko Estrada para sa bagong episode ng Maalala Mo Kaya. Ayon sa post sa Instagram account ng programa, pagbibidahan nina Janella at Kiko ang tampok na istorya ng pag-ibig nina Moira Dela Torre at Jason Marvin. 

 

"’At sa wakas nahanap ko na rin ang siyang aking hinihiling.’ Abangan si @superjanella bilang si Moira Dela Torre at @jasondiazejercito bilang si Jason Marvin ngayong Sabado sa #MMKMoiraAndJason 8:30PM pagkatapos ng World Of Dance PH. #MMK2019 #RSBDramaUnit #KapamilyaShareNa," ayon sa post ng MMK.

 

Una nang nakasama ni Janella si Kiko sa isang pelikula noong nakaraang taon sa My Fairy Tail Love Story, bilang karibal ng ka-love team na si Elmo Magalona.

Ang naturang MMK episode rin ang unang TV project ni Janella para taong 2019 at matapos ang balitang hiwalayan nila ni Elmo. 

READ: Janella Salvador admits seeking help from psychologist after incident with Elmo Magalona

READ: The ElNella Saga: How it began and how it ended

Samantala, bukod sa MMK episode, aabangan naman si Kiko Estrada sa isa pang teleserye sa Kapamilya Network na Kapalaran, kasama sina JM De Guzman at Arci Muñoz.

READ: Janella Salvador says she's not entertaining anyone right now: “I'm just focusing on myself”

READ: Kiko Estrada on his transfer to ABS-CBN: "I just go wherever the good roles are