• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez at mister na si Norman Crisologo, magkasama sa isang proyekto

Beauty Gonzalez at mister na si Norman Crisologo, magkasama sa isang proyekto

Sinagot din ni Beauty at Norman kung handa na ba silang magkaroon ng second baby.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/13/2019 3:07 PM
Beauty Gonzalez at mister na si Norman Crisologo, magkasama sa isang proyekto


For the first time ay humarap sa entertainment press si Norman Crisologo kasama ang misis na si Beauty Gonzalez bilang brand ambassador ng Moringa-Organic.

Ito rin ang unang beses na magkakasama sa isang product endorsement sina Norman at Beauty kasama ang kanilang anak na si Olivia.

Kuwento ni Norman, unti-unti na niyang sinasanay ang sarili sa pagharap sa entertainment media para sa kanyang misis na si Beauty. 

 

 

“Medyo, pinagpapawisan ng konti pero yeah, I’m getting used to it little by little kasi I accompany her to some of her showbiz things, sanayan lang. What’s important is this is about the family. It’s not actually showbiz because this one is real and I think that’s important,” masayang kuwento ni Norman.

At dahil ito ang unang family project nina Norman at Beauty, inamin ni Beauty na pinag-isipan niya ng matagal ang desisyon kung papayagan na ba ang kanyang anak na iharap na sa camera.

 

 

“Of course pinag-isipan ko muna kasi it’s her first time. Mas ako ‘yung kinakabahan kaysa kahit sino, kasi syempre honestly I want something naman that we’re proud of that we’re using this. Ayaw ko naman na pa showbiz showbiz lang just for the sake of (endorsement),” ani Beauty.

 

 

Nang tanungin naman ang celebrity couple kung hudyat na ba ito ng pagpasok sa showbiz ng kanilang unica hija, sabi ni Norman, “Probably not showbiz, just endorsement with products that we really believe in and we really use, I think that’s important.”

“No, not yet pa,” pagpatuloy naman ni Beauty.

Aniya, bilang isang ina, ayaw niya na ma-pressure ang kanyang anak sa showbiz.

“But honestly we’re trying but I don’t wanna pressure her (Olivia) I just want her to enjoy na parang wala lang kasi baka naman ma-overwhelm at matakot siya. Slowly, I’m very protective about her,” sabi pa ni Beauty.

Kuwento pa ng aktres, sa kanilang tahanan, bonding din nila ng unica hija ang pagsasanay sa pagharap sa camera.

“Hindi pa siya sanay na may selfie all the time… I take photos na naglalakad lang konti, nag vi-video ako. Hindi siya sanay sa ganon, so slowly,” aniya.

Sa usapin naman ng plano tungkol sa pagkakaroon ng second baby, ito ang naging pahayag nina Norman at Beauty.