• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil recounts when he first said ‘I love you’ to Liza Soberano

Enrique Gil recounts when he first said ‘I love you’ to Liza Soberano

Enrique Gil says 2014 is when his “forever” with Liza Soberano started.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/12/2019 11:04 AM
Enrique Gil recounts when he first said ‘I love you’ to Liza Soberano


Matapos ang naging pag-amin ni Enrique Gil at Liza Soberano sa kanilang relationship, sumabak naman si Enrique sa interview sa Tonight with Boy Abunda.

READ: Liza Soberano and Enrique Gil admit they are in a relationship

Ang unang naging rebelasyon ni Quen ay ang pag-amin niya na may oras na halos iwan na niya ang showbiz. Anya, “Yes. You get a point na everything is fast forwarding to me.” At isa daw si Liza sa mga tao kung bakit nag-stay pa siya sa industriya. “I even told Hopi I think she’s also one of the reasons why I’m still here. Because Liza’s here. My family is there,” kuwento ni Quen.

Nagpakita ng throwback picture ang King of Talk na si Boy Abunda. Ito ay kuha mula sa Forevermore days nina Liza at Quen noong 2014. Tumawa si Quen at sinabing ito ang picture, “Kung saan na-in love siya sa akin…” Matapos magbiro, bumawi naman siya at sinabing, “kung saan nagsimula ang forever namin.”

Nagkaroon na daw si Quen ng past girlfriend pero matapos nun sinabi niya sa sarili niya na, “di ako manliligaw. Wala akong girflfriend until I find this girl. Siguro she will just come.” Para daw kay Quen, mas espesyal ang isang bagay kapag dumating ito na hindi mo hinahanap. “If you don’t search and it comes…(then) you just don’t know the reason why you want it.” 

Unang beses siyang umamin ng nararamdaman niya para kay Liza ay noong nasa Australia daw siya. “I was in Australia. Coming from taping and I had a tour with sila Gerald (Anderson.) For some reason I just can’t stop thinking about her. Sabi ko parang iba na to a. So I called her up on the phone… and sabi ko I think ito na ata to. I don’t know ha… pero baka I love you.” 

Pagpapatuloy ni Quen, “She didn’t (for) two seconds, three seconds… she didn’t say anything and she said, ‘I think I like you too. I love you too.’” Dahil daw dito gustong-gusto na ni Quen bumalik sa bansa para makasama si Liza, “I was like I’ve got to go back home…” 

Sa naging journey naman nila ni Liza, ipinakita daw ng dalaga kay Quen na, “Hindi niya ako iiwan kahit anong mangyari. At alam ko na she knows me… Kahit people would judge me, siya she knows who I am.” Ito diumano yung panahon kung saan dumaan si Quen sa matinding controversy sa showbiz.

Tinupad din ni Quen ang dream ni Liza na makapunta sa Paris at Disneyland. “Euro Disney was my first Disney when I was a baby and it was her dream to go to Disneyland so we took her there kasama po yung family niya.” 

Espesyal din ito dahil ito ang unang beses na may pinakilalang babae si Quen sa pamilya niya. “First time, nagpakilala ako sa family ko. I think that was a big big step.” Dahil din sa pagpapakilalang ito ay na-in love ang buong pamilya ni Quen kay Liza.

Pag-amin pa ni Quen, may panahon na natakot siya na hindi siya sasagutin ni Liza. “Of course I did, but I just really showed her who I was. I was just a fun guy na nagpapatawa lagi… I just wanted to show her na you know it’s okay to spill ice cream on your shirt. It’s okay to go out in the rain sometimes,” sabi ng aktor. 

Para din kay Quen, “Love is unexplainable. If I can really explain what love is, I don’t think that’s real love. You just can’t explain it.”

Pagtatapos ni Quen tungkol sa kanyang girlfriend, “Liza is my life right now.”