• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla, ibinahagi ang planong gawin sa kanyang pagre-retiro sa showbiz

Robin Padilla, ibinahagi ang planong gawin sa kanyang pagre-retiro sa showbiz

Nilinaw ng aktor na wala sa kanyang mga plano ang sumabak sa pulitika.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/11/2019 8:59 AM
Robin Padilla, ibinahagi ang planong gawin sa kanyang pagre-retiro sa showbiz


Binigyang diin ng beteranong aktor na si Robin Padilla na wala siyang plano na talikuran ang showbiz sa kabila ng maugong na balita sa kanyang pagtakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno.

Ayon sa aktor “Wala po akong interest sa Pulitika,” ani Robin sa entertainment press sa launching ng kanyang bagong endorsement sa Ada Manufacturing Corporation.

Sa pananaw pa ni Robin, mas marami din siyang magagawa kung wala siya sa pulitika.

“Wala po akong balak sa pulitika, ako po ay naniniwala na mas marami akong matutulungan kung ako ay nandito sa showbiz, nandito ako sa ganitong trabaho, kasi direkta ito at higit sa lahat pera nila (private sector) ang ginagastos ko,” sabi pa ni Binoe.

At kasabay ng kanyang unti-unting pag lie-low sa showbiz, mas nakikita din daw ng aktor ang kanyang sarili bilang isang ordinaryong mamamayan na nakatutok sa kanyang hilig na pagsasaka.

“Ang katunayan, matagal na namin ito naging advocacy ni Mariel (Rodriguez), itong organic farming, pero yung mga panahon na ‘yun wala pa kaming nakikitang ka partner, pero hindi nakalimutan sa dasal ko na magkaroon ako ng ganitong kasama,” kuwento pa niya.

Ang farming din daw ang isa sa mga napapag-usapan nila ng kanyang misis, na tiyak magiging libangan niya kapag tuluyan na siyang magretiro sa showbiz.

“Yun talaga ang plano namin kaya ilang beses kami sumubok na umalis, nag-aral pa kami, nag iba’t ibang organic (farming) sa abroad, talagang tinignan namin ang direksyon na gusto namin puntahan,” ani Robin.

“Kaya lang, hindi matapos-tapos ang aming mga kaibigan sa showbiz na papauwiin tayo dito ‘Lika na, gawin natin ‘to, shoot mo lang’,” patuloy pa niyang pahayag.

“Mahal din kasi talaga natin ang mga kaibigan natin (sa showbiz), pero darating din ang araw na mauubos din ang humihingi ng pabor at matutuloy din namin ang farming,” pahayag ng aktor.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

First photo of 2019 ❤️ happy new year!!!! 🎊

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on