• Home
  • Fresh Scoops
  • LOOK: Batch 84 of Binibining Pilipinas nag-instant reunion sa kanilang 35th anniversary

LOOK: Batch 84 of Binibining Pilipinas nag-instant reunion sa kanilang 35th anniversary

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/11/2019 9:04 AM
LOOK: Batch 84 of Binibining Pilipinas nag-instant reunion sa kanilang 35th anniversary


Photo credit: @rachelannewolfe on IG

Kasabay ng inaabangan na muling pagbubukas ng 2019 edition ng Binibining Pilipinas, muli naman nagbalik-tanaw sa kanilang nakaraan ang batch 84 Binibini queens.

Sa isang mini-reunion, ipinagdiwang ng batch 84 ang kanilang 35th year bilang Binibining Pilipinas queens kasama sina, Miss Universe Philippines Desiree Verdadero, Binibining Pilipinas Maja na si Maria Villa Nachor at Binibining Pilipinas Miss Young na si Rachelle Anne Wolfe.

Sa isang Instagram post ni Rachelle Anne Wolfe, ibinahagi niya ang ilan sa kanilang mga throwback na larawan noong kanilang panahon sa Binibining Pilipinas.

 

“Another mini-reunion with my 1984 Bb. Pilipinas BFFs Bb. Pilipinas Universe-Ms. Desiree Verdadero, Bb. Pilipinas Ms. Maja-Ms. Memeth Nachor. Our other winners are in the States. Jane Brummitt and Toni Daya. It was so good reminiscing. It has been almost 35 years since I was crowned Bb. Pilipinas Ms. Young International. Once a Binibini, always a Binibini!” sabi pa ni Rachelle Anne sa kanyang post.

Samantala, hindi naman nakasama sa kanilang naging reunion ang iba pa nilang mga kasabayan na sina Binibining Pilipinas International Catherin Jane Blumentrit at Maritoni Judith-Daya na itinanghal naman na Miss Press Photography Pilipinas.

Sa ngayon, abala ang Binibining Pilipinas Organization sa nalalapit na homecoming parade para kay 2018 Miss Universe Catriona Gray.