• Home
  • Fresh Scoops
  • Liza Soberano and Enrique Gil admit they are in a relationship

Liza Soberano and Enrique Gil admit they are in a relationship

Dahil sa lie detector test sa ‘Gandang Gabi Vice,’ napaamin sina Liza at Enrique na two years na silang magkasintahan.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/11/2019 8:24 AM
Liza Soberano and Enrique Gil admit they are in a relationship


Sa Gandang Gabi Vice, hindi inaasahang pag-amin ang naganap nang tanungin sina Enrique Gil at Liza Soberano ng totoong status ng kanilang relationship habang nakasalang sila sa “lie detector test” ng programa.

Nagsimula ito nang tanungin ni Quen si Liza ng, “Tingin mo ba talaga tayo na forever?” Sumagot si Liza ng “Oo,” na sobrang nagpakilig sa studio audience pati na rin sa host na si Vice Ganda.

READ:Will Enrique Gil and Liza Soberano have a kissing scene in ‘Alone/Together’?

Sunod namang sumalang si Quen sa test at nang tanungin siya ni Vice ng, “Kayo na bang dalawa?” Nag-isip si Quen nang matagal-tagal bago sumagot ng “Yes.” Pero dahil sa naging sagot niya, hindi na siya isinalang ni Vice sa test. Ani Vice na sobrang kinilig siya sa naging rebelasyon ni Quen. 

Lalo pang kinilig si Vice nang malaman niya mula kay Quen na may blessing ang relationship nila mula sa manager ni Liza na si Ogie Diaz. “Ah so alam ni Ogie? Ah so may blessing? Meron?” tanong ni Vice. Tumango naman si Enrique bilang sagot.

Nakatawa rin si Ogie na pinapanuod ang dalawa mula sa audience section ng show.  

Nag-request muli si Vice na sumailalim si Liza sa lie detector test at tinanong niya ang aktres kung matagal na sila ni Enrique na magkasintahan. Ang sagot ni Liza, “Define matagal?” Nang sabihin ni Vice ang kanyang hula na “more than two years” na sila,  sumagot naman ang aktres ng, “Oo.” Dahil sa nakuhang kasagutan sa dalaga, hindi na rin binuksan ni Vice ang lie detector device.

Masaya naman si Vice para sa LizQuen. “Mukha naman kayong mga responsableng mga bata at hindi na rin naman kayo mga bata,” sabi pa ng comedian.  

Pag-amin pa ni Liza,  October ang kanilang anniversary month. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

OCTOBER talaga!!!! 💕 #GGVLetsLaughTogether

A post shared by Gandang Gabi Vice (@abscbnggv) on