• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada opens up about her relationship with ex-partner Rommel Padilla and gives advice to broken families

Karla Estrada opens up about her relationship with ex-partner Rommel Padilla and gives advice to broken families

Naging emosyonal din si Rommel Padilla nang binalikan ang unang pagkikita ng anak nito kay Karla Estrada na si Daniel Padilla.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/11/2019 1:39 PM
Karla Estrada opens up about her relationship with ex-partner Rommel Padilla and gives advice to broken families


Parehas na hindi napigilang maging emosyonal ang dating mag-partner na sina Karla Estrada at Rommel Padilla sa episode ng Magandang Buhay nitong Lunes, Pebrero 11. Inalala ng Ang Probinsyano actor ang unang beses na makita ang anak na si Daniel Padilla na pitong buwan pa lamang noon. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

we will support you @omengq all the way!๐Ÿ‘๐Ÿผ๐Ÿ‘๐Ÿผ๐Ÿ‘๐Ÿผ

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

 

"Sino pa ‘yung taong hindi mo inaasahan, siya pa ang darating di ba? ‘Yung pumasok sa akin, ‘Gaano kalaki yung utang ko sa taong ‘to, sa batang ‘to?" emosyonal na pahayag ni Rommel habang kinukwento ang panahon noong dinala ni Karla si Daniel sa presinto sa Muntinlupa kung saan siya nakulong noon.

Si Daniel ang panganay na anak ni Karla sa partner na si Rommel. Ipinanganak ni Karla si Daniel noong panahong nasa kulungan ang ama nito dahil sa kasong droga at illegal possession of firearms.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

morning throw back for everyone!โค๏ธ๐Ÿ’™ @supremo_dp

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

 

"Every day, nung mga panahon na yon, nando’n si Karla na ang laki ng nagawang (tulong) sa akin noon," patuloy na naging emosyonal si Rommel at nagpapasalamat kay Karla. 

"Thank you, dahil sa 'yo nagampanan ko ‘yung obligasyon ko kay DJ (Daniel). Siguro kung hindi ka naging ganoong nanay, malamang napabayaan ko, eh. Hindi ko siguro natutukan, ‘yung pagdating ni DJ sa edad (niya ngayon)," sabi ni Rommel sa momshie-host.

Ayon kay Karla, hindi niya kailanman nagawang magalit kay Rommel noon. "Never naman akong nakaramdam ng kahit anong pitik sa tenga, kahit anong paggalit noong kaming dalawa ay nagsasama pa. So naappreciate ko ‘yon hanggang ngayon. Kaya hanggang ngayon, hanggang si Daniel Padilla ay lumalaki, pinagsisigawan ko na ang tatay mo (Daniel) ay mabuting tao," pahayag ni Karla na hinangaan ng mga co-hosts niyang sina Jolina at Melai.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Soon..๐Ÿ™๐Ÿผ #grateful

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

 

Nagpahabol naman ng kaniyang advice si Karla sa mga nanonood ng programa. 

"Alam niyo napakagandang example ‘yon para sa ating mga anak, (na nasa) isang pamilya na nagkakahiwalay, o sa mag-asawa. Ang pinakamaganda na lang nating gawin ay ipakita natin kung gaano tayo nagmamahalan bilang magkakaibigan kasi from there, ang anak natin ay hindi nagkakaroon ng insecurities. At mas nagiging buo ang kanilang pagkatao. 

"So ‘yun ang dapat nating sinasabi lagi sa ating mga anak, at ipapakita sa mga anak. Hindi nila kasalanan ang ating mga naging kasalanan. So let's be friends, katulad ng ginagawa namin ni Rommel na pinapakita namin na nagkamali man kami, we can be okay para sa inyo mga anak," sabi ni Karla na pinalakpakan ng studio audience.