FDCP, sinagot ang panawagan ni Erik Matti

Ipinaliwanag din ni Liza Diño ang kasalukuyan na problema ng pelikulang Pinoy.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/11/2019 9:33 AM
FDCP, sinagot ang panawagan ni Erik Matti


Tila binigyang kasagutan ng chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño ang naging panawagan ng direktor at producer na si Erik Matti sa pamahalaan kaugnay ng pagbaba ng bilang ng mga Pilipino sa sinehan.
 
 
Kasunod ito ng patuloy na pagbaba ng interes ng mga Pilipino na magbayad at manood ng sine dahil sa patuloy na pagtaas ng kompetisyon sa online movie streaming.
 
Sa naging pahayag ng FDCP Chairperson sa press kasabay ng paglalatag ng ahenysya para sa kanilang plano ngayong 2019, ipinaliwanag ni Diño ang kasalukuyang sitwasyon ng local film industry.
 
 
Aniya, bilang kawani ng pamahalaan sa showbiz industry,  patuloy ang kanilang suporta sa pelikulang Pilipino.
 
“Ang ginagawa po ng FDCP in terms of supporting our filmmakers, we are open to an idea or to the concept that films are not consumed in cinemas or look at the cinemas kapag magpapalabas ng pelikula, ngayon. Content is content regardless of kung saan platform,” sabi ni Liza. 
 
Ayon pa sa kanya, malaki man ang hamon, di tumitigil ang ahensya sa pag-iisip ng paraan para mas mai-angat pa ang antas ng pelikulang Pilipino.
 
“I think what we need to do is to work together as all stakeholders, as NCAP, producer and FDCP are talking on how we can come up on a collective solution lowering prices (of tickets), creating a promo, creating event driven activities, so that we can drive everyone to the cinemas,” aniya pa.
 
Dito, binigyang paliwanag din ng FDCP Chairperson ang  kasalukuyang problema na kanilang nakikita ng industriya.
 
“Ang nangyayari po kasi ngayon, pababa po ang mga budget ng pelikula, imbes na itinataas natin ang kalidad dahil ang mga kalaban natin na foreign (films) ang tataas ng budget, ang tataas ng quality. Pababa naman po ang budget ng mga pelikula natin, which I know na ganun po ang nangyayari” pahayag pa ni Liza.
 
Sa huli, umaasa ang FDCP na patuloy na makipagtulungan ang bawat movie producer sa kinakaharap na pagsubok sa pelikulang Pilipino.