Comedian Cheena Crab shows off her baby bump

Cheena is expecting her second child and will be giving birth next month.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/11/2019 9:09 AM
Comedian Cheena Crab shows off her baby bump


Photo credit: @cheenacrab on IG

Excited na ngayon ang celebrity mommy na si Cheena Crab na expecting mother ulit sa kanyang ikalawang baby.

Sa kanyang Instagram post, masayang ibinahagini ng komedyana ang picture ng kanyang baby bump kasama ang kanyang 10-year old daughter na si Shawn.  

 

“Hay super busy sa lahat ng ganap today, nakakapagod. Now time to rest and tomorrow excited for our fambam vacation.. but first fun photo shoot muna with @iloveshawncrab and the BELLY #babycrab,” masayang ibinahagi ni Cheena.

Matatandaan na huling napanood sa pelikula si Cheena sa kanyang pagganap bilang si Charley Marikit sa pelikulang Ettiquete for Mistresses noong 2015, kasama sina Kris Aquino, Claudine Barretto at Kim Chiu.

Inaasahan na sa susunod na mga buwan ipapanganak ni Cheena ang kanyang second baby.

Sa ngayon, isang aktibong TV host si Cheena ng Adobo Nation na napapanuod sa The Filipino Channel sa America kung saan na siya naka-base ngayon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Nothing but good vibes from our last taping! Hope all our ka-nation are having a great day ☀️

A post shared by Adobo Nation (@adobonationtfc) on