• Home
  • Fresh Scoops
  • Monsour del Rosario, reacts on Direk Erik Matti’s observations on local film industry

Monsour del Rosario, reacts on Direk Erik Matti’s observations on local film industry

The former action star sites piracy, taxes and financial restraints as some of the factors truly affecting the local film industry.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/10/2019 9:57 AM
Monsour del Rosario, reacts on Direk Erik Matti’s observations on local film industry


Photo credits to the owners

Nagbigay ng reaksyon ang taekwondo Olympian at former action star na si Monsour del Rosario sa naging pahayag ni Direk Erik Matti sa kanyang Facebook account  tungkol sa aniya’y lumalamlam na kalagan ngayon ng local movie industry.

Ani Monsour who is now a congressman of Makati, “Naaalala ko nun, siguro 18 years ago, nag-start na bumagsak ang film industry -- una dahil na rin sa piracy.

“Yung ilan sa ating mga kababayan, siyempre sa halip na manuod sa sinehan, bibili na lang sila ng DVD sa mas murang halaga at paulit ulit pa nilang mapapanood. Kaya hindi mo rin sila masisi.”

Idinagdag din ni Monsour na malaking factor ang binabayarang taxes ng producers kung bakit hindi sila nakakabawi sa milyones na ini-invest nila sa isang movie project.

“Mataas talaga ang taxes na binabayaran ng mga producers,” giit pa niya.

“So imagine mo, mag-invest ka sa isang pelikula tapos di ka rin sure if maghi-hit. So, bumabagsak ang kalidad ng mga pelikula,” dagdag niya.

Isa rin daw sa talagang nag-suffer sa laki ng expenses ng produ ay ang paggawa ng action films.

Ani Monsour,  “Dati uso pa yung mga action films pero ngayon wala nang gustong mag-produce gaano kasi mahal -- mahal ang magpasabog, mahal magpasara ng kalsada, mahal ang bala at mahal din magbayad ng mga stuntman.

“Kaya nawala na rin ang mga action films. Kaya ngayon, halos pare-parehas na lang ang palabas -- puro love-story, drama, comedy – mas matipid kasi.Wala nang variation. Kaya di mo masisi ang mga tao if maghanap sila ng kakaiba.”

May malaking kaugnayan din daw ang monopolisasyon ng malls sa pagkalugi ng mga Filipino film producers.

“Halos na-monopilize na ng mga malls ang pagpapalabas ng mga sine. Dati may maliliit na independent movie houses. Halimbawa,  dito sa isang sinehan, puro mga drama. Dito naman sa isa, puro mga aksyon o komedy.

“Maraming artista rin ang masyadong mataas magpresyo,” pahayag pa ng kongresista.

Eh, sa palagay niya, ano ba ang dapat gawin para muling maibalik ang sigla ng movie industry?

“Kailangan talagang gumawa ng paraan upang solusyunan ang mga problema na ito. Bilang mambabatas, siyempre may mga priority tayo -- unang-una para sa ating mga nasasakupan, pero tinitingnan din natin kung anong pwede nating maitulong para ibalik ang sigla ng local film industry.”