Pelikula at teleserye ang bagong aabangan kay JM De Guzman

Ipinakilala din ni JM De Guzman ang kanyang bagong kapareha.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/1/2019 12:59 PM
Pelikula at teleserye ang bagong aabangan kay JM De Guzman


Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang nararamdaman ng aktor na si JM De Guzman na muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Kuwento ng aktor, isang panibagong pagkakataon itong muli para patunayan ang kanyang sarili bilang isang artista.

“Masayang-masayang masaya. Overflowing... Minsan, humahagulgol ako sa tuwa kapag mag-isa lang ako,” tugon ni JM.

Huling napanuod ang aktor sa Araw Gabi na kanyang naging comeback project sa ABS-CBN matapos ang naging pahinga sa showbiz.

READ:JM De Guzman pinasalamatan ang kanyang support group

At ngayong panibagong taon sa Kapamilya network, isang pelikula at teleserye na ang pinaghahandaan ni JM kasama si Arci Muñoz.

“Pelikula with Arci Muñoz and nag-start na rin kami mag taping ng soap yung Project Kapalaran nag umpisa na kami ng shooting.

Sa kanya namang social media, marami din ang nakakapansin sa mas magandang pangangatawan ng aktor na tila bumagay na sa kanya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

ganda ng ilaw dito a. 🙏 @goldsgymphilippines @bram_q salamat po.

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

 

“Hindi naman po masyado! (smiling) I’m just trying to improve myself, to reinvent para maiba naman,” masayang pahayag ng aktor.