• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador emosyonal na ipinaliwanag kung bakit hindi dinalaw si Gary Valenciano noong may “health challenges” ito

Maja Salvador emosyonal na ipinaliwanag kung bakit hindi dinalaw si Gary Valenciano noong may “health challenges” ito

‘Hindi ko kayang makitang mahina si Tito Gary,’ naiiyak na sabi ni Maja Salvador.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/1/2019 11:32 AM
Maja Salvador emosyonal na ipinaliwanag kung bakit hindi dinalaw si Gary Valenciano noong may “health challenges” ito


Sa naganap ng set visit ng media sa World of Dance Philippines, nagpalitan ng magagandang salita para sa isa't-isa ang mga judges na sina Maja Salvador, Billy Crawford, at Gary Valenciano. 

Binalikan ni Gary Valenciano ang unang beses na napansin niya ang galing ni Maja sa pagsayaw noong nakita niya itong nagre-rehearse para sa ASAP.

"I've never seen a Salvador, moves like Maja Salvador. Sinabi ko talaga sa sarili ko, 'Kung may mga iba pang kabataan na katulad niya, na maaaring gumalaw ng ganyan, iiba talaga ang magiging takbo ng dance scene in the Philippines,’" sabi ni Gary V. 

Hindi naman napigilan ni Maja ang maluha habang pinapaliwanag ang dahilan ng hindi niya pagbisita sa idolong si Gary V noong may health challenges ito. 

READ: Gary Valenciano, sumailalim sa open heart surgery

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

later tonight 😉 @twbaofficial

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

 

"(Noong nagkaroon ng) health challenge si Tito Gary, tapos yung buong World of Dance staff dadalawin si Tito Gary. Hindi ko masabing straight sa kanila na, hindi ko kayang makitang mahina si Tito Gary," naluluhang kwento ni Maja.

"Hindi ko kayang makita na mahina yung mga taong mahal ko, lalo na kayo yung nagbibigay ng inspirasyon sa akin," dagdag ng Dance Princess.

READ: Gary Valenciano shares he is cancer-free: 'This is the work of the Lord'

Bilib naman ang kapwa judge na si Billy sa successful recovery ni Gary V kaya ay tinatawag niya itong “Superman.” "Biruin mo from everything that just went through, nandito siya, and he can still perform like he's 25," ani Billy.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

It’s another weekend of World Of Dance with Gary V !! Saturdays and Sundays at 7:30pm. #wodphkavogue

A post shared by Gary Valenciano (@garyvalenciano) on

 

READ: Matapos ang naging operasyon sa puso, Gary V humahataw nang muli

Mapapanuod ang tatlo bilang judges sa World of Dance Philippines. Ayon sa datos, pumatok sa ratings ang naturang dance competition show simula nang umere noong January 12.