• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano on how many girlfriends he’s had: ‘Let's not consider women as statistics’

Luis Manzano on how many girlfriends he’s had: ‘Let's not consider women as statistics’

Ipinaliwanag din ni Luis Manzano kung bakit nadedelay ngayon ang planong pagpapakasal kay Jessy Mendiola.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/1/2019 1:05 PM
Luis Manzano on how many girlfriends he’s had: ‘Let's not consider women as statistics’


Tila nasa napa-hot seat ang World of Dance host na si Luis Manzano nang tinanong siya kung alin ba ang mas marami, ang hosting gigs niya o ang mga naging girlfriends niya.

"Wow, good question. Ito na ata ikakabagsak ko ah. Definitely the hosting jobs, sana naman," agad na sagot ni Luis na sinabing may malayong agwat ang bilang ng hosting jobs niya kaysa sa mga naging girlfriends niya.

Nang tinanong ng press kung puwedeng bilangin, "Ay wag na. Let's not consider women as statistics," agad na sagot ng Kapamilya host.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Loving our rings from @maritesallen ♥️🧡♥️ thank you so much Ms. Marites! We love you. 💕

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

 

Samantala, ipinaliwanag din ni Luis ang dahilan ng pagka-delay ng planong pagpapakasal at pagkakaroon ng baby sa kanyang girlfriend of two years na si Jessy Mendiola. Ayon sa WOD host, gusto niya na ring magkaroon ng anak at matuloy ang kasal ngayong taon. "There's so many things to do on my part, on her part. Pero ako, sinabi ko nga sa inyo, this family, I've been wanting it. Gusto ko na, hindi na ako bumabata. 

"Nakikita niya (Jessy) ako pag may baby akong kasama. So gusto ko na rin. I'm not saying na ayoko, na hindi ako ready. And si mommy nangungulit na rin. (Pero) para sa akin, paminsan-minsan, you have to be a realist sa mga bagay-bagay," kuwento ni Luis sa press. 

READ: WATCH: Luis Manzano and Jessy Mendiola pinaplano na ang kasal?

READ: Luis Manzano calls Jessy Mendiola the “mother” of his children

Dagdag ni Luis kailangan niyang mag-ipon ngayon bago tuluyang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. "Yes, nag-iipon pa talaga ako. Kasi madaling magpakasal, pero pag nalatag mo na at magpapamilya na kayo, especially ngayon, dapat realistic ka.

"I'm not saying no, I'm not saying I'm not sure, but it’s more of, nilalatag ko pa ang future namin," paglilinaw ni Luis. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hey partner. ❤️

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

 

READ: Jessy Mendiola sends comforting message to a sick Luis Manzano

Matapos ang programang I Can See Your Voice, mapapanuod pa rin tuwing weekend si Luis bilang host sa World of Dance Philippines kasama si Pia Wurtzbach bilang co-host.