• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto, masaya sa pagtanggap ng tao sa kanyang ‘no-bra’ statement

Julia Barretto, masaya sa pagtanggap ng tao sa kanyang ‘no-bra’ statement

Inamin ni Julia Barretto na hindi siya komportableng mag-bra.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/1/2019 12:34 PM
Julia Barretto, masaya sa pagtanggap ng tao sa kanyang ‘no-bra’ statement


Photo credit: @juliabarretto on IG (R)

Kamakailan ay naging trending topic si Julia Barretto matapos niyang aminin sa Tonight with Boy Abunda na hindi siya komportable gumamit ng bra dahil “walang makakapitan” ito.

READ: Julia Barretto aminadong ayaw magsuot ng bra: 'Wala talagang makapitan'

Sinundan pa ito ng litrato niya sa Twitter kung saan marami ang natuwang netizens sa kanya at sinabing naka-relate rin ang ilang mga flat-chested na kababaihan.

READ: Women rally behind Julia Barretto after upfront tweet about '100 nipple tapes' draws empowering message

Nang makapanayam ng ABS-CBN News ang aktres, sinabi niyang natuwa naman siya sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanyang sinabi.

"I'm just glad that a lot of people can relate it,” ani Julia.

"Dapat may magtaas ng bandera and I guess I'm the one who did that for the flat-chested community," dagdag pa ni Julia.

Matapos ang teleseryeng Ngayon at Kailanman, bibida muli sa big screen sina Julia at Joshua Garcia sa pelikulang Block Z.