• Home
  • Fresh Scoops
  • Gelli De Belen and Ariel Rivera share the secret of their 26-year relationship

Gelli De Belen and Ariel Rivera share the secret of their 26-year relationship

Unlike most celebrity pairings, Gelli De Belen and Ariel Rivera have not been troubled by breakup rumors.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/1/2019 10:23 AM
Gelli De Belen and Ariel Rivera share the secret of their 26-year relationship


Photo credit: @gellidebelen on IG

Sa pelikulang Ikaw Pa Lang Ang Minahal taong 1997 huling nagsama sina Ariel Rivera at Gelli de Belen sa isang project. Hindi pa sila mag-asawa noon.

Now, after 22 long years, muling nagkasama ang dalawa sa pelikulang Ang Sikreto Ng Piso directed by Perry Escaño.

Para kay Gelli, weird ang pakiramdam na muling makatrabaho ang asawa sa pelikula.

Pag-amin ng aktres, “It felt weird to work with him again.” Pero pinapanood naman daw niya ang performances nito tulad na lang sa teleseryeng ginawa niya sa ABS-CBN kung saan gumanap siyang kontrabida sa Hanggang Saan.

Patuloy ni Gelli, “I had to overcome that feeling while we were doing our scenes together.”

Wika naman ni Ariel, big switch para sa kanya ang ginawang indie film dahil malayo ito sa kontrabida role niya sa Hanggang Saan.

“This is a good change for me and I enjoyed it. Doing a comedy is just rising up to a new challenge. It’s my first independent movie and my first comedy movie, too,” sambit pa niya.

Eh, kumusta namang katrabaho ang asawa?

Sagot ni Gelli, “I am happy to work with Ariel. I welcome the opportunity to play as couple with him in reel. As an actor, Ariel has matured a lot. I am proud of him!”

Samantala, sa tagal na rin bilang couple nina Gelli at Ariel ay never pang napabalitang nagkaroon sila ng problema bilang mag-asawa na natsismis na naghiwalay.

“We’ve been together for 26 years, 21 years of which as a married couple,” pagmamalaki ni Gelli.

Ibinahagi rin niya ang sikreto ng matatagal nilang relasyon ni Ariel.

“I think generosity is the key. Not just generous of yourself or of any kind. May mga bagay na ayaw mo sanang gawin pero alam mong ikasisaya ng asawa mo, di gawin mo na lang kung hindi mo naman ikamamatay at wala namang masasaktan, why not give it? Pag nagbibigay ka, natututo kang mag-adjust. You become selfless.

“Hindi naman selfless na lose yourself. Importante rin naman na you don’t lose your identity, pero palaging alam mo kung sino ka o ano ka, iyon ang importante,” pahayag ni Gelli.

Katwiran naman ni Ariel, “It’s give and take. It’s communication. The appreciation for your wife. It sounds corny pero it’s really ano…huwag mong isipin ang sarili mo, ang isipin mo kung ano ang makabubuti sa kanya, just being unselfish. I think that is the most important.