Enchong Dee, plano na nga ba talikuran ang showbiz?

Dahil mananatiling contract star nag ABS-CBN, hindi naiwasan na maitanong kay Enchong kung hanggang kailan niya nakikita ang kanyang sarili sa showbiz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/1/2019 4:28 PM
Enchong Dee, plano na nga ba talikuran ang showbiz?


Magkahalong saya at pananabik ang nararamdaman ng aktor na si Enchong Dee na isa sa mga muling pumirma kamakailan ng kontrata sa ABS-CBN.

Dahil mananatiling contract star nag ABS-CBN, hindi naiwasan na maitanong sa Kapamilya star kung hanggang kailan niya nakikita ang kanyang sarili sa showbiz.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Enchong Dee @mr_enchongdee mananatiling Kapamilya #enchongdee @starmagicphils #Kapamilya

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

“Ako hanggang kailangan ako ng kompanya, that’s one. Number two, I know that I’m passionate still about my work. And number three, basta pinapatunguhan ko ‘yung lahat ng mga nakakatrabaho ko lahat ng mabuti, kasi kahit gaano ka ka-galing, kahit gaano ka ka-talented kapag masama ang ugali mo, no one wants to work with you,” tugon ng aktor.

Kasunod ito ng tila naglabasan na balitang plano niyang pasukin ang mundo ng politika na agad naman niyang pibabulaanan.

READ:Plano ba ni Enchong Dee na pumasok sa pulitika?

Aniya, mas prioridad pa din niya ngayon na pagyamanin at subukin pa ang kakayahan sa showbiz bilang isang artista.

“It’s always a must for everyone to challenge themselves lalo na sa trabahong ‘to, because stars come and go and hindi mo naman pwede sabihin na ‘sikat ako ngayon, sikat padin ako bukas’, ‘di ba parang you have to take good care all the people you worked with,” sabi pa ni Enchong.

At kahit walang kapareha, mas nasasabik pa umano ang Kapamilya star na patunayan ang kanyang sarili bilang isang aktor.

“For the longest time, I’ve been working with Erich for 7 years we were together, I’ve done that part so I’m looking for that different challenges, I’m looking for different ways on how to improve myself.

“I mean love team can help you in certain part in certain time but, not until you get old parang you don’t want to keep doing same things over and over again so, hindi naman, and I’m also in the age na parang I would value rest I would value my health more than just earning money,” paliwanag pa niya. 

Sa ngayon, tutok si Enchong sa patuloy na promotion ng pelikulng Elisse kasama si Janine Gutierrez.