• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee dubs O Shopping’s Victor Anastasio ‘heartthrob ng mga puyat’

Enchong Dee dubs O Shopping’s Victor Anastasio ‘heartthrob ng mga puyat’

Victor Anastasio ng O Shopping, gaganap na best friend ni Enchong Dee sa pelikulang ‘Elise’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/1/2019 10:33 AM
Enchong Dee  dubs O Shopping’s Victor Anastasio ‘heartthrob ng mga puyat’


Mapapanuod sa pelikulang Elise si Victor Anastasio bilang best friend ni Enchong Dee. Baguhan man, marami ang nakakakilala kay Victor bilang isa sa mga hosts ng O Shopping. 

WATCH: Enchong Dee, inaming hindi inabisuhan si Rayver Cruz sa mga love scenes kasama si Janine Gutierrez

Sa guesting niya sa Tonight with Boy Abunda kasama si Enchong Dee, ipinakilala siya ni Enchong bilang “heartthrob ng mga puyat.”

Pero bukod sa pagiging host, may natural talent sa pagpapatawa si Victor. Ayon sa kanya, “Nagsusulat din po ako dito sa ABS-CBN. Goin’ Bulilit, I Want, It’s Showtime…” Dagdag pa ni Victor, “(nag)-stand up comedy po ako with Comedy Manila.”

Galing din sa family of doctors si Victor. Kuwento ni Victor parehong cancer doctors ang mga magulang niya at may brother diumano siya na doctor din. Ang isa pang brother ni Victor ay lawyer at ang youngest sister daw niya ay may Masters in Psychology.

Nang tanungin naman ng King of Talk Boy Abunda kung ano ang ginagawa ni Victor, ang pabiro niyang sagot ay, “Nagbebenta po ako ng mga kawali.” 

Ayon pa kay Victor, single siya at ang huling babaeng nagpakilig sa kanya ay si “Carissa.”