• Home
  • Fresh Scoops
  • Bumilib ang Hollywood actor na si Stephen Baldwin sa ilang beteranong aktor tulad nila Cesar Montano at Jean Garcia, matapos makasama sa bagong pelikulang ‘Kaibigan.’

Hollywood actor Stephen Baldwin, masayang makatrabaho ang mga Pinoy actors

Bumilib ang Hollywood actor na si Stephen Baldwin sa ilang beteranong aktor tulad nila Cesar Montano at Jean Garcia, matapos makasama sa bagong pelikulang ‘Kaibigan.’

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/09/2019 08:40 AM
Hollywood actor Stephen Baldwin, masayang makatrabaho ang mga Pinoy actors

Masayang nagkuwento ng kaniyang experience ang Hollywood actor na si Stephen Baldwin, sa bagong pelikula na Kaibigan.

Sa kaniyang exclusive interview sa PUSH, pinuri ni Stephen ang dalawang bida sa Kaibigan movie na sina Jesse at Christian Perkins, dahil sa talento nila sa kabila ng pagiging baguhan sa pag-arte.

"I have to tell you, I've made about a hundred and ten movies in 30 years. And in a lower budget opportunity like this you don't have a lot of time, you don't have a lot of things that most movies have when you're doing independent. So you have to be smarter and you have to do it more effiecient.


"These guys have a very little acting training and rehearsal time, I think all of those things considered the performances are amazing," paliwanag ni Stephen. 

Sina Christian, Jesse, at ama nilang si Tarny Perkins, ang sumulat at nag-produce ng naturang pelikula.

Bumilib din si Stephen sa mga beteranong aktor at aktres na nakasama niya sa paggawa ng naturang pelikula. Binanggit niya sina Cesar Montano at Jean Garcia.

"Cesar is in the film too, he's such a veteran actor, so talented. We love him so much. I just enjoyed coming to Manila to shoot this film," pagpapatuloy ng foreign actor.

Ito ang unang pagkakataon na gumawa para sa isang Pinoy-produced movie si Stephen.

Bukod sa pagiging aktor, kilala din si Stephen bilang ama ng sikat na modelo at asawa ni Justin Bieber, na si Hailey Baldwin. Nang kumustahin ang kasalukuyan nilang relasyon bilang mag-ama, "I can't talk about it too much or it gets me in trouble. But everything is wonderful, everything is beautifully --actually I'm gonna be with my wife and them for Christmas in California," pagbabahagi niya.

Panoorin ang buong interview dito:

Mapapanood na sa mga sinehan ang Kaibigan movie. Bukod sa mga nabanggit, kasama rin sa cast si Tirso Cruz III, Janina Vela, Boots Anson Roa, Lani Mercado, at iba pa.