• Home
  • Fresh Scoops
  • Aga Muhlach, suportado ng Korean actor na si Ryu Seung Ryong

Aga Muhlach, suportado ng Korean actor na si Ryu Seung Ryong

Ang original na gumanap sa Korean film na ‘Miracle in Cell No.7’ na si Ryu Seung Ryong ay nakatext ni Aga Muhlach, na siya namang bida ng Filipino adaptation ng pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/9/2019 10:36 AM
Aga Muhlach, suportado ng Korean actor na si Ryu Seung Ryong


Overwhelmed si Aga Muhlach sanatatanggap na feedback mula sa netizens na nakakapanood ng trailer ng Miracle In Cell No. 7, entry ng Viva Films sa 2019 Metro Manila Film Festival na umabotna halos ng more than 20 million plus ang views sa internet.

Nakadagdagdin sa saya ng aktor ang ginawang pagpo-post ng Korean actor na si Ryu Seung Ryong,bida ng orihinal na Miracle In Cell No. 7 bilang suporta sa Pinoy adaptation ngnaturang pelikula.

“So touched toknow that there will be a Philippine remake,” post ng Korean actor sa kanyangFacebook account.

Hindi natapos sa Facebook angkoneksiyon ni Ryu Seung Ryong sa Philippine adaptation ng Miracle in CellNo. 7.

Ibinalita rinni Aga na textmate sila ng Korean actor.

“As a matter offact, we texted each other. Seriously, we’re kind of in constant communicationnow. As a matter of fact, we’re inviting him for the premiere,” kuwento pa ngaktor.

Hindi namansinigurado ni Aga kung makakapunta nga ng premiere night ng Miracle In Cell No.7 sa ‘Pinas si Ryu Seung Ryong.  Dependepa raw ito sa magiging schedule ng Korean actor.

Sa palitan ngkanilang text message ay sinabi rin ni Aga sa Korean actor na, “I even toldhim, ‘You were an inspiration.’ Kasi yung pelikula niya is not just him or thestars, but yung istorya -- father and daughter, hardened criminals, how itchanges people, how it changed everyone.

“So,tamang-tama for the festival, 'di ba? Parang sinabi pa niya, 'I’m gonna helppromote your film, even in Korea.’ Sabi ko, sana mag-showing kami sa Korea. Ithink we’ll also show in Korea, I think so,” deklara pa ng aktor.

Ang Miracle in Cell No. 7 ay isang blockbuster Korean film na ipinalabas noong 2013.

Sa Pinoy adaptationng pelikula ay makakasama ni Aga sina JC Santos, Bela Padilla, Joel Torre, MonConfiado, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz, John Arcilla at ang bibo at verytalented na young actress na si Xia Vigor. The film is produced by Viva Filmsand directed by Nuel Naval.