• Home
  • Fresh Scoops
  • Maris Racal, excited makatrabaho ang mga beauty queens sa upcoming iWant series

Maris Racal, excited makatrabaho ang mga beauty queens sa upcoming iWant series

Maris Racal kinilabutan nang makasama ang mga beauty queens sa photo shoot ng iWant original series.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/8/2019 3:49 PM
Maris Racal, excited makatrabaho ang mga beauty queens sa upcoming iWant series


Isa si Maris Racal sa bibida sa iWant original series titled Beauty Queens na prinodyus nina Allan Dizon at Dennis Evangelista para sa kanilang ATD Entertainment Productions. Second time na ni Maris to work with Direk  Joel Lamangan na una niyang nakasama sa Isa Pang Bahaghari na hindi nakapasok sa 2019 Metro Manila Film Festival.

“Nung nalaman ko na ni-request  niya talaga ako na maging part ako dito, parang coming from him, okey na yon sa akin. Very happy ako and very thankful  for the trust,” reaksyon ni Maris.

“I’ll make sure na gagalingan ko dito sa iWant series para marami pa kaming… para kunin ulit niya ako,” dugtong pa ng dalaga.

Wala naman daw naging problema sa unang working experience niya sa premyadong direktor kahit pa alam niyang very strict ito. 

“Wala at all, kasi smooth talaga lahat, kasi nag-prepare talaga ako. Nagtanong ako kung paano ba siya ka-work, so I really made sure na I did my best and nandito ako ngayon kaya I’m very thankful,” sey pa ni Maris.

Sa Beauty Queens ay makakasama ni Maris ang mga totoong beauty queens at title holders na sina Gloria Diaz, Maxine Medina, at Winwyn Marquez.

“Kanina nga sa photo shoot, katabi ko si Ms. Gloria Diaz, kasi di ba she’s an icon, isa sa mga naging unang Miss Universe. Tapos napapalibutan ako ng mga title holders, so ang saya, excited and very…

“Alam mo yung kapag katabi mo sila feeling ko isa na rin akong beauty queen, of course, with my looks right now and siyempre kinikilabutan ko. I’m very excited na mapanood ito ng mga tao lalo na yung mga fans ng beauty pageants,” masaya niyang pahayag.

Nangarap din ba siya noon na maging beauty queen?

“Kung nabigyan ako ng height. Kasi ang alam ko one of the requirements para maging beauty queen is to be tall, sadly, I’m not. Siguro kung biniyayaan ako ng height, hindi ko alam.

“Kasi iba rin kasi yung passion ko – music, writing, so hindi ko siya naisip,” huling pahayag niya sa PUSH.