• Home
  • Fresh Scoops
  • Rominick Sarmenta, inilarawan kung paano siya naghanda para sa kanyang dramtic scene sa ‘Write About Love’

EXCLUSIVE: Romnick Sarmenta, umiiwas makipag-usap sa mga dating kasamahan sa showbiz na politiko na ngayon

Rominick Sarmenta, inilarawan kung paano siya naghanda para sa kanyang dramtic scene sa ‘Write About Love’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/08/2019 10:45 AM
EXCLUSIVE: Romnick Sarmenta, umiiwas makipag-usap sa mga dating kasamahan sa showbiz na politiko na ngayon

May isang ugali si Romnick Sarmenta na ini-reveal sa PUSH kung paano niya itrato ang ilang mga kasamahan niya noon sa programang That’s Entertainment na eventually ay nahalal bilang public official tulad na lang ni Mayor Isko Moreno ng Maynila.

Hindi rin daw siya gumagawang paraan para makausap ito o makibalita man lang.

“Hindi masyado, alam ko namang busy siya, eh,” wika pa niya. “Not for anything else, pero pagka kasi… kahit sino naman sa kanila na nag-politics hindi ako masyadong nangungumusta,” dagdag niya.


Eh, bakit nga ba?

“Naiilang ako minsan. Parang feeling ko lang, baka isipin may kailangan ako, okey lang yan. Pag nagkita kami, nagkabanggaan kami, yon usap kami, kwentuhan.

“Pero yung I go out of my way para i-text or kumustahin hindi ko ginagawa, ayoko kasing may maisip sila na may kailangan ako. Ako ang naiilang,” rason ng aktor na napapanood ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN bilang si Juan.

Kahit nung sila pa raw ng asawang si Harlene Bautista na kapatid ni Mayor Herbert Bautista ay mas ginusto rin niyang wag umepal.

Giit niya, “All the more na hindi ako kumikibo kasi ayoko ring… ayokong may magsasabi na ginagamit ko yung… ayokong may magsasabi ng ganun.”

Patuloy ng aktor, “I mean, yung mga iba, kunyari sina Yul (Servo), di ba tumakbo rin siya pero I worked with him bago pa siya naging politician. Okey kami, parang kuya ang tawag niya sa akin and maski ngayon kuya pa rin ang tawag niya sa akin, so komportable ako. But then, still kahit si Yul hindi ko siya basta-basta tini-text. Hindi ako nagtatanong ng kung anu-ano kasi nahihiya rin ako.”

Kasama rin si Romnick sa 2019 Metro Manila Film Festival movie na Write About Love ng TBA Studios. Ginagampanan niya ang role bilang ama ni Miles Ocampo, isa sa bida ng pelikula. Ayon kay Romnick, sinadya niyang huwag  basahin beforehand ang script at huwag din itong i-rehearse ang isang eksena nila ni Miles sa pelikula bago ito kunan para mas lumabas itong natural and authentic.

“Hindi ko nalang ikukuwento yung eksena pero parang ito yung confrontation scene namin ni Miles. Gusto ko lang maging raw yung emotion ko at maibigay ko yung totoong nararamdaman ko at that moment. Nagpaalam naman ako kay Direk Cris at naintindihan naman niya. Medyo ano kasi, hindi naman naka-relate ako, pero parang don sa scene na yon, kailangang isipin ko din yung mga anak ko, na parang what if…” makahulugan niyang pahayag.

Napanood namin ang eksenang tinutukoy ni Romnick at isa ito sa magpapaiyak sa moviegoers when they watch the film.

Anyway, ipalalabasang Write About Love simula Dec. 25. Kasama rin sa pelikula sina Joem Bascon, Yeng Constantino, at Rocco Nacino. Mula ito sa direksyon ni Crisanto Aquino.