• Home
  • Fresh Scoops
  • Aga Muhlach, ayaw mag-expect na mananalo bilang Best Actor sa MMFF

Aga Muhlach, ayaw mag-expect na mananalo bilang Best Actor sa MMFF

Nao-overwhelm din si Aga Muhlach sa magandang reaksyon ng mga nakapanuod ng early preview ng ‘Miracle in Cell No. 7’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/8/2019 10:50 AM
Aga Muhlach, ayaw mag-expect na mananalo bilang Best Actor sa MMFF


Photo credit: @ Verified on Instagram

“Magpapa-party ako!” Ito ang ipinangako ni Aga Muhlach, bida sa Metro Manila Film Festival entry na Miracle in Cell No. 7 ng Viva Films, kapag tinanghal daw siyang best actor sa Gabi ng Parangal ng festival.

Hirit pa niya, hindi raw siya nagbibiro. Bilin pa niya sa entertainment press, tandaan ang petsa kung kailan niya ito ini-announce. Ginanap ang grand presscon ng Miracle in Cell No. 7 nitong Biyernes, December 6.

Magkaganun man, kahit maraming pumupuri sa performance ni Aga sa kanyang latest movie ay hindi pa rin siya umaasa sa best actor award.

Aniya, “Ayokong asahan kasi, more than anything, mas masaya ako na maipakita yung pelikula namin na ginawa. Gusto ko talagang mapanood nilang lahat yung pelikula, more than anything.”

Bago naganap ang grand presscon ng Miracle In Cell No. 7 ay ipinapanood muna ng Viva ang pelikula sa mga film exhibitors mula sa iba’t ibang malls at ayon sa actor lahat ng mga nakapanood ay nagandahan sa kanilang pelikula.

“It was really overwhelming. Kasi hindi ako nanonood ng pelikula ko, napapanood ko lang ang pelikula ko pag premiere night na. Pagkakita nila sa akin they were started clapping and congratulating me. Sabi ko, ‘Wow, parang nakakahiya naman.’

“Ayokong masyadong mag-expect na ganun, masaya na ako nag-enjoy sila and they were all congratulating me and the whole cast. And siyempre, parang alam na nila, may mga haka-haka, may mga predictions silang sinabi, happy sila, eh,” kuwento ng magaling na aktor.

Pabiro naming sinagot ni Direk Nuel Naval ang tanong sa kanya kung totoong na-take-10 si Aga sa ilang eksena sa pelikula habang nag susyuting sila.

Paliwanag niya, “Actually, nu’ng first three days lang. Hahaha! No, no, first three days kasi kinakapa pa lang niya yung role and since hindi nga niya pinanood yung movie, siyempre hindi niya alam kung paano talaga aatakehin yung role. Then after the third day, puro take one na, dire-diretso.

“I’m humbled na this guy, he trusted me as a director, so sobra akong thankful din sa kanilang lahat. Everyday I look forward to going to the shoot, hindi mabigat yung pakiramdam mo because you know you’ll be working with the best sa industry.”

Samantala, ayon pa rin kay Aga, excited siya sa gaganaping Parade of Stars ng MMFF dahil isasama raw niya ang mga anak na sina Atasha at Andres para ma-experience ito. Dito na rin sa Pilipinas magdiriwang ng Pasko ang kanilang pamilya na 12 taon ding hindi sa bansa nagpa-Pasko.

Ipalalabas ang Miracle In Cell No. 7 simula December 25.