Vice Ganda, bumisita sa mga nasalanta ng bagyong Tisoy

Pinasaya naman ni Vice Ganda ang mga nasalanta ng bagyo sa Mindoro.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/7/2019 2:37 PM
Vice Ganda, bumisita sa mga nasalanta ng bagyong Tisoy


Photo credit: @ praybeytbenjamin on Instagram

Kinailangang umalis agad sa It’s Showtime si Vice Ganda upang mabisita ang mga nasalanta ng bagyong Tisoy sa Mindoro. 

Sumakay naman ng chopper ang komedyante at kanyang ipinakita sa kanyang Instagram stories ang mga nasirang pananim at bahay dahil sa bagyo.

 

Binati naman ng mga residenteng nabiktima ng bagyo si Vice at natuwa naman ito dahil nakita niya ang kanilang mga ngiti.

 

 

“May kapangyarihan ang NGITI. Sa simpleng ngiti gagaan ang lahat. Kakayanin natin ang lahat hangga’t kaya nating ngumiti. Di alintana sa mga mukha ng mga taga Pinamalayan, Mindoro ang bagyo ng kahapon. Kaya nilang ngumiti. Kayang kaya mo din,” ani Vice sa Instagram.

Matapos umalis sa Pilipinas ang bagyo, nag-iwan naman ito ng matinding pinsala. Umaabot sa 9 ang namatay at aabot sa P811 milyon ang halaga ng nasira ng bagyo. 

Read:NDRRMC: Typhoon Tisoy leaves 9 dead, P811-M damage

Karamihan sa mga nabiktima ay mula sa Oriental Mindoro.