• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro, nagbigay ng sweet na mensahe para sa asawang si Tanya Bautista

Vhong Navarro, nagbigay ng sweet na mensahe para sa asawang si Tanya Bautista

Nakabalik na sa bansa si Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista mula sa Japan, kung saan sila nagpakasal noong Nobyembre 28.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/7/2019 2:52 PM
Vhong Navarro, nagbigay ng sweet na mensahe para sa asawang si Tanya Bautista


Photo credit: @ t.winona on Instagram

Sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa Pilipinas mula sa kanyang kasal na ginanap sa Kyoto, Japan ay masaya niyang ikinuwento ang kanilang naging honeymoon ni Tanya Bautista.

Ayon sa It’s Showtime host, natuwa sila sa sceneries ng Japan at inalala din nila ang kanilang naging dance performance sa reception ng kanilang kasal.

 

Nang tanungin tungkol sa kanyang mensahe para sa kanyang asawa, nagpasalamat naman si Vhong dahil hindi bumitaw si Tanya kahit na anong pagsubok pa ang kanilang hinarap.

“Mahal, salamat. Tanya, maraming salamat sa pagtanggap at pag-stay sa akin sa maraming pinagdaanan natin sa buhay,” sambit ni Vhong sa It’ Showtime noong Biyernes, Disyembre 6.

Taong 2014, nang masangkot si Vhong sa isang insidente kung saan nabugbog ni Cedric Lee at mga kasamahan nito nang bisitahin niya si Deniece Cornejo sa isang condominium. Mahabang proseso ang pinagdaanan ng aktor sa kaso nito laban sa nga akusado at sa kabila nito ay hindi nawala sa tabi niya si Tanya at sinuportahan lamang siya hanggang sa dulo.

 

“Isa sa wish ni Daddy, noong nabubuhay pa, ikaw ang makasama ko habang buhay, at natupad natin ‘yon. Sa family mo, salamat din po dahil hindi niyo ‘ko iniwan. Sa family ko, salamat din dahil tinanggap niyo kami nang buong-buo ni Tanya,” ani Vhong.

“Mahal, ikaw na, habang buhay. I love you,” dagdag pa niya.