• Home
  • Fresh Scoops
  • Kyle Echarri, nagsalita tungkol sa isyung pa-uugnay sa kaniya kay Samantha Cruz at kay Lorin Gutierrez

Kyle Echarri, nagsalita tungkol sa isyung pa-uugnay sa kaniya kay Samantha Cruz at kay Lorin Gutierrez

Nilinaw ni Kyle Echarri na kaibigan lang niya sina Samantha Cruz at Lorin Gutierrez.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/7/2019 11:44 AM
Kyle Echarri, nagsalita tungkol sa isyung pa-uugnay sa kaniya kay Samantha Cruz at kay Lorin Gutierrez


Nagsalita ang Kadenang Ginto actor na si Kyle Echarri tungkol sa isyung pagkakaugnay niya kina Samantha Cruz at Lorin Gutierrez. Sa interview ng aktor sa Magandang Buhay nitong Biyernes, December 6, nilinaw niya ang tunay niyang relasyon sa dalawa.

"Kaibigan ko po sila dati pa. Tapos nagha-hang out po kami kasama si Leon Barretto, kapatid po ni Julia," pahayag ni Kyle.

Maaalalang kamakailan ay nagpost sa Twitter ang ina ni Samantha na si Sunshine Cruz matapos makatanggap ng malisyosong mensahe mula sa isang netizen. Inakusahan di umano ng naturang netizen si Samantha at Lorin na nililigawan ni Kyle at 'sumisira sa career' ng aktor.

 

 

"Why are you attacking my daughter? Mag ingat ka @myluvkycine. Kyle Echarri and my daughter are friends ONLY! Pati kami na nananahimik babastusin mo. Walang umaagaw kay Kyle," matapang na caption ni Sunshine sa social media.

"May isang fan na [nag-message kay Samantha] --ang alam ko po nakalagay KyCine [fan] po siya, pero alam ko at sinasabi ng mga admin [ng fans club] hindi.

"Tapos nagalit si Tita Sunshine, nagpost po si Tita Sunshine. Hindi naman po sa akin nagalit, sa fan lang po talaga," pagpapatuloy ni Kyle.

Dagdag pa ni The Gold Squad member, nagkausap na sila ng ina ni Samantha tungkol sa isyu.

"I talked to Tita Sunshine kasi alam kong mahirap yun kasi anak niya 'yun. Tapos nadamay pa dahil sa kaibigan. Ayoko namang ma-bad blood sa akin si Tita Sunshine," kuwento niya.

Mapapanood pa rin si Kyle, kasama ang ka-love team na si Francine Diaz, sa Kadenang Ginto at sa digital movie nilang Silly Red Shoes.