Kim Chiu, maayos na raw ang lagay matapos makagat ng aso

Kim Chiu, may natutunan matapos makagat ng aso kamakailan.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/07/2019 11:40 AM
Kim Chiu, maayos na raw ang lagay matapos makagat ng aso

Nagbigay ng update ang Kapamilya actress na si Kim Chiu tungkol sa kaniyang kalagayan ngayon  matapos siyang makagat ng aso.

Read:Kim Chiu, nakagat ng aso

Sa naganap na story conference para sa kaniyang bagong horror movie, ibinahagi ni Kim ang maayos nang kalagayan ngayon.

"Hindi pa naman ako tumatahol... Okay naman na. Marami lang injections. Siyempre mas maganda na yung ma-prevent natin yung maging aso ako," biro ng Primetime actress.

Muling nag-iwan ng bilin si Kim sa mga taong mahilig lumapit sa mga stranger dogs.

"Pinost ko yun sa Instagram ko to raise awareness sa ibang tao na 'wag basta basta humawak ng aso kasi hindi biro--ang mahal ng mga injections tsaka pabalik balik sa ospital. So ingat lang din, sa mga dogs na hindi niyo kilala o hindi hawak ng may-ari," payo ni Kim.

Ayon sa Chinita Princess, hindi niya sigurado kung alam rin ng may-ari ng nangagat na aso ang nangyari sa kaniya. Hindi daw kasi nakatali ang aso at sumusunod lang ito sa amo na nauunang maglakad.


 

 

Abangan si Kim sa bagong horror movie kung saan ay makakasama niya sa unang pagkakataon sina Tony Labrusca, at JM De Guzman.

Isang teleserye din ang ilalabas sa susunod na taon, ang pagbibidahan ni Kim Chiu, ang Love Thy Woman.