Ganadong ganado ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados sa naganap na Preliminary competition ng 2019 Miss Universe sa Atlanta, Georgia USA.
Pagpapakilala pa lang, agaw atensyon na agad ang hand gestures ng Pinay beauty queen sa Miss Universe.
Credits to Norman Tinio IG
Angat rin ang fit at sexy figure ni Gazini sa swimsuit round ng preliminaries, kung saan malinis niyang ipanamalas ang kanyang signature “Phoenix Walk."
Credits to Norman Tinio IG
Kuminang rin sa entablado ang 2019 Miss Universe Philippines suot ang Phoenix-inspired evening gown ni Gazini na gawa ng Cebu based fashion designer na si Cary Santiago.
Credits to Norman Tinio IG
At ang pinaka inabangan ng lahat, ang unang beses na ipinasilip ni Gazini ang kanyang national costume na gawa rin ni Cary Santiago.
Credits to Norman Tinio IG
Mapapanood ang live telecast ng 2019 Miss Universe ngayong December 9 sa ABS-CBN.