• Home
  • Fresh Scoops
  • Gazini Ganados, agaw eksena sa prelims ng Miss Universe 2019

Gazini Ganados, agaw eksena sa prelims ng Miss Universe 2019

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/7/2019 2:07 PM
Gazini Ganados, agaw eksena sa prelims ng Miss Universe 2019


Photo credit: @gazinii on Instagram

Ganadong ganado ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados sa naganap na Preliminary competition ng 2019 Miss Universe sa Atlanta, Georgia USA.

Pagpapakilala pa lang, agaw atensyon na agad ang hand gestures ng Pinay beauty queen sa  Miss Universe.

 

Credits to Norman Tinio IG

Angat rin ang fit at sexy figure ni Gazini sa swimsuit round ng preliminaries, kung saan malinis niyang ipanamalas ang kanyang signature “Phoenix Walk."

 

Credits to Norman Tinio IG

Kuminang rin sa entablado ang 2019 Miss Universe Philippines suot ang Phoenix-inspired evening gown ni Gazini na gawa ng Cebu based fashion designer na si Cary Santiago.

 

Credits to Norman Tinio IG

At ang pinaka inabangan ng lahat, ang unang beses na ipinasilip ni Gazini ang kanyang national costume na gawa rin ni Cary Santiago.

 

Credits to Norman Tinio IG

Mapapanood ang live telecast ng 2019 Miss Universe ngayong December 9 sa ABS-CBN.