• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Yeng Constantino naniniwalang malaki ang tulong ng pagiging singer niya bilang aktres sa ‘Write About Love’

EXCLUSIVE: Yeng Constantino naniniwalang malaki ang tulong ng pagiging singer niya bilang aktres sa ‘Write About Love’

Yeng Constantino, balak ituloy ang pag-aarte.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/7/2019 11:18 AM
EXCLUSIVE: Yeng Constantino naniniwalang malaki ang tulong ng pagiging singer niya bilang aktres sa ‘Write About Love’


Photo credit: @yeng on Instagram

Ayon sa director ng 2019 Metro Manila Film Festival entry na Write About Love ay napaka-natural umarte ng singer na si Yeng Constantino. Si Yeng ang leading lady ni Joem Bascon sa pelikula ng TBA Studios na pinagbibidahan din nina Miles Ocampo at Rocco Nacino.

Ipapalabas ang Write About Love sa December 25.

“Siguro nakakatulong din yung pagiging singer namin. Kasi po pag kumakanta kami nilalagay din po namin yung sarili namin sa kanta, so in away it’s also acting,” paliwanag sa PUSH ni Yeng nang tanungin namin kung saan nanggagaling ang actress side na meron ang tulad niyang singer.

“Pero iba rin po yung nagde-deliver ng lines na walang melody at saka aaralin mo talaga yung karakter mo sa pelikula, very challenging,” dugtong ng singer.

Naniniwala ba siya na ang magaling na singer ay posible rin gmaging magaling na aktor?

Tugon niya, “Yes po. Example po niyan si Ms. Regine Velasquez, Ms. Nora Aunor, napakagaling. Napakahusay. Parang sinasabi lang nila yung mga lines.

“Feeling ko nga yung mga co-singers ko sa ASAP kaya di nilang umarte, kaya nila ito.”

After Write About Love ay gusto ni Yeng na ituluy-tuloy naang paggawa ng pelikula.

“Sana po. Sana po after this film ay makitaan po ako ng potensyal ng ibang production houses. Mag-o-audtion po ako ulit kasi nag-audition po ako para sa aking karakter dito, eh. Hindi po ako titigil kasi I found it talaga na parang naging passion ko narin ito,” lahad pa niya.

Samantala, natawa si Yeng nang tanungin namin siya kung sino basa palagay niya ang mas magaling na aktres sa kanila ng kapwa singer din na KZ Tandingan na pinasok na rin angpag-arte sa pelikula.

“Sa akin hindi ko makukumpara kung sinong mas magaling sa amin ni KZ, pero alam ko na… kasi nagbasa din ako ng mga write-up tungkol kay KZ, bilib talaga yung director ni KZ sa kanya.

“Hindi ko nga lang napanood kasi nawala sa cinema kasi ang dami kong ginagawa. Pero even sa manager namin, sinabi nga na ang galing-galing ni KZ do’n, sobrang natural lalo na yung timing niya sa comedy,” huling pahayag niya sa PUSH.