• Home
  • Fresh Scoops
  • Kinumpirma ni Nathalie Hart na hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak na si Penelope.

Nathalie Hart, hiwalay na sa ama ng kanyang anak

Kinumpirma ni Nathalie Hart na hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak na si Penelope.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/06/2019 03:08 PM
Nathalie Hart, hiwalay na sa ama ng kanyang anak

Kinumpirma ni Nathalie Hart na hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak na si Penelope. 

“We have separated our ways na. It’s okay,” tugon ng nagbabalik na aktres sa panayam ng Tonight With Boy Abunda nitong Huwebes. 


“I think it’s personal differences,” patuloy niya. “It wasn’t working, it wasn’t a happy home. It's better for us to have separate lives for my daughter to have a happy environment.”

Hindi naman mapigilan ni Nathalie na maging emosyonal nang aminin na hanggang ngayon ay nasa proseso pa rin siya ng pagmu-move on sa nasabing hiwalayan. 

“I’m still healing. I just thought ito 'yung tao para sa akin talaga,” aniya. 

“For me, I just want to put all my time for my daughter talaga. If there’s no communication in the relationship, parang nagsasayang lang kayo ng oras talaga.”

Ayon pa kay Nathalie, mutual ang naging desisyon nilang maghiwalay ng dating nobyo. 

“Yes, it was,” sagot ng sexy star. There's no unity in the relationship and I wanted to be respected. I wanted to be loved the way I love that person. Gusto ko ganun, pero hindi 'yun ang nakikita ko. He is the father of my child. I love him, and that’s it for now,” 

Nag-guest si Nathalie sa Tonight With Boy Abunda upang i-promote ang kanyang bagong horror movie na Barbara Reimagined kasama sina Mariel de Leon at JC de Vera.

Sa ngayon ay mapapanood na ang Barbara Reimagined sa iWant.