• Home
  • Fresh Scoops
  • Louise Delos Reyes, di na daw kaya maging daring sa pelikula

Louise Delos Reyes, di na daw kaya maging daring sa pelikula

Delos Reyes, ipinaliwanag kung bakit di na niya kaya maging daring sa mga role tulad ng dati.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/6/2019 12:38 PM
Louise Delos Reyes, di na daw kaya maging daring sa pelikula


Screenshot from MY BAKIT LIST Official Trailer

Ayon sa director ng My Bakit List na si Bona Fajardo, hindi ni-require sa istorya ng pelikula na magkaroon ng daring scenes si Louise delos Reyes kasama ang leading man sa pelikulang si Ivan Padilla.

“Sabi ko kay Direk after ng Hanggang Kailan sabi ko, ‘Direk parang hindi ko muna kaya… hindi ko muna kaya.’ Parang natodo ko na ata sa Hanggang Kailan,” bungad na pahayag ng aktres.

Patuloy niya, “Kasi kahit dati naman na, never ko pa din siyang ginawa. I think kasi ako sa sarili ko, desisyon ko yon kasi meron tayong gustong path outside showbiz naalam mo yon… ayokong magkaroon ng taint or madumihan. Saka meron din akong kapatid na lalaki, kaya din never akong nag-say yes sa mga men’s magazine before kasi ayokong aasarin sila dahil sa trabaho ko.

“Tsaka ang hirap i-expain sa non-showbiz yun mga ginagawa ko. Time mo pa nga lang di mo na ma-explain how much more yung trabaho pa mismo.”

Naiintindihan naman daw ni Louise na bahagi ng trabaho niya ang maging daring kung minsan sa pelikula, kaya lang, “For me kasi ayoko lang ng hassle. If kayang tanggalin yon, sana… di ba?”

Idinagdag din ni Louise na hindi siya pinagbabawalan ng non-showbiz boyfriend niya na two years na niyang karelasyon sa pagpapaseksi.

Paliwanag ng aktres, “Desisyon ko na rin siya. Hindi na din dahil sa kanya, dahil na rin sa akin. I’m 27 years old, sa iba kapag 27 ka na you will accept more daring roles kasi matanda ka na. No, para sa akin hindi, eh. It’s the other way… I don’t! Mas lalong hindi ko nagusto.”

Ipinagmalaki din ni Louise na okey ang love life niya ngayon at masaya silang dalawa ng kanyang boyfriend. Live-in ang dalawa pero hindi pa raw engaged.

“Hindi pa. Kasi I think kapag ready ka na talaga, do’n na ibibigay sa ‘yo na parang eto na yon. Hindi ko kasi masabi kong ready na ako or yung partner ko ready na rin, or kung siya na ba talaga kasi ang dami pang mangyayari, eh.

“Pero ako siyempre, gusto ko siya na, ready na ako for that. Pero siyempre, ang dami mo pang iisipin na factor. Yung ibang mga kaibigan ko engaged na, nakapag-asawa, may anak, so parang nakita ko na hindi basta-basta maglagay ng singsing sa kamay.

“It’s a commitment. Financially, okey ka na ba, emotionally. Katawan mo ready na ba, madami, eh, madaming factor. If ever na mag-propose siya, tatanggapin ko naman but it’s going to be a long engagement until the time that we’re both ready.

“Kasi hindi basta-basta yung pera na ilalabas mo pag kinasal ka na, pag nagpagawa ka ng bahay at lalo na pag nagka-baby. I just want to be prepared, at least sa part ko,” deklara ni Louise.

Ipapalabas na sa mga sinehan ang My Bakit List simula December 11. Ang pelikula ay prinodyus ng Viva Films at Bluart Entertainment. Kasama rin sa movie si Prince Stefan.