LOOK: New Miss Universe Crown worth 5 million US dollars

Ilang araw bago ang 2019 Miss Universe pageant sa Atlanta, Georgia, USA, ipinasilip ng Miss Universe Organization ang bagong Miss Universe crown.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/6/2019 12:37 PM
LOOK: New Miss Universe Crown worth 5 million US dollars


Photo credit: @missuniverse IG

Ilang araw bago ang 2019 Miss Universe pageant sa Atlanta, Georgia, USA, ipinasilip ng Miss Universe Organization ang bagong korona na ipapasa ni reigning 2018 Miss Universe na si Catriona Gray.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Introducing the official Miss Universe @mouawadjewelry Crown ✨

A post shared by Miss Universe (@missuniverse) on

 

 

Ang bagong korona ay tinawag na “Unity Crown” na gawa ng Mouwad, isang Dubai based jewelry company.

 

 

Base ang inspirasyon ng bagong korona sa pagiging isa ng mga kababaihan sa kabila ng pagkakaiba sa kulay, lahi, kultura at paniniwala, na sunod sa tunay na layunin ng Miss Universe pageant.

Tadtad ng mahigit kumulang na 1000 piraso ng mamahalin diamond ang bagong Miss Universe crown at tinatayang nagkakahalaga ito ng 5 million US dollars o 253,900,000 naman sa Philippine peso. 

Mapapanood ang 68th edition ng Miss Universe beauty pageant ngayong December 9 live mula sa Atlanta, Georgia USA sa ABS-CBN.