• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu, Tony Labrusca, at JM De Guzman, bibida sa Filipino adaptation ng isang Indian horror movie

Kim Chiu, Tony Labrusca, at JM De Guzman, bibida sa Filipino adaptation ng isang Indian horror movie

Unang beses na magsasama-sama para sa proyekto sina Kim Chiu, Tony Labrusca, at JM De Guzman.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

12/6/2019 12:16 PM
Kim Chiu, Tony Labrusca, at JM De Guzman, bibida sa Filipino adaptation ng isang Indian horror movie


Para sa bagong horror project ng award-winning director na si Roderick Cabrido, napili niya ang mga Kapamilya stars na sina Kim Chiu, Tony Labrusca, at JM De Guzman para gumanap sa Filipino adaptation ng isang Indian movie.

Sa naganap na story conference nitong Huwebes, December 5, ibinahagi ni Cabrido ang tungkol sa bagong proyekto.

"Kakaiba siyang horror film for me kasi may social commentary siya. And then, ang maganda sa kaniya, malaki ang moral lesson. Hindi lang siya basta horror na tatakutin ka and mag-eenjoy ka, and then wala kang bibitbitin. It is something na informative," kuwento niya na sinabi ring pinili niya ang mga artistang gaganap para rito.

"I'm very happy to do another horror movie with the award winning director. So looking forward ako--sabi nga niya, nakakapagod basahin yung script. Let's see kung anong pagod namin sa set, I'm sure it's going to be worth it," masayang sabi naman ni Kim.

Ito ang unang beses na magsasama-sama ang tatlo para sa isang movie project. Hindi man binanggit ang pamagat ng orihinal na pelikula, gaganap bilang News Reporter/Journalists sina Kim at Tony, habang isang pulis naman si JM.

"Ako naman, first time kong maging reporter ever. So aaralin ko yung mga galaw nila, and nagma-marathon naman ako so medyo kaya ko naman tumakbo takbo," dagdag ni Kim.

Wala pang target date ang nasabing proyekto.