• Home
  • Fresh Scoops
  • Kaya ba ng back-to-back win ni Gazini Ganados sa darating na Miss Universe pageant?

Exclusive: Gloria Diaz and Maxine Medina talk about Gazini Ganados’ chances at the 2019 Miss Universe pageant

Kaya ba ng back-to-back win ni Gazini Ganados sa darating na Miss Universe pageant?

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/06/2019 03:28 PM
Exclusive: Gloria Diaz and Maxine Medina talk about Gazini Ganados’ chances at the 2019 Miss Universe pageant
Photo credit: @its.gloriadiaz, @gazinii and @maxine_medina IG

Sa darating na Lunes (Dec. 9) na ang laban ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Gazini Ganados at lahat ay all eyes sa kanya kung madu-duplicate ba niya ang pagkapanalo ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.  

Dalawang former beauty queen-turned-actress – 1969 Miss Universe Gloria Diaz and 2016 Binibining Pilipinas Universe Maxine Medina – na parehong bida sa iWant Original Series titled Beauty Queens produced by ATD Entertainment and directed by Joel Lamangan, ang hiningan ng reaksyon ng PUSH about Gazini’s chance sa international pageant at ito ang kanilang naging pahayag.

READ: How you can help Miss Universe PH bet, Gazini Ganados to secure a spot in Miss Universe Top 20


Ani Maxine, “Walang problema kay Gazini ‘no, sobrang prepared na prepared na yon. Binibini pa lang bongga na, what more pa sa Miss U.”

Aminado si Maxine na marami ring magagandang kalaban si Gazi pero  para sa kanya iba pa rin ang ganda ng Pinay.

“Nakikita ko yung iba, ang gaganda din. Marami din talagang plakado (ang beauty), pero siyempre ang Pilipinas,” reaksyon niya.

Nagbigay din si Maxine ng wish niya para sa kapwa beauty queen sa laban nito sa Monday.

“Ang wish ko lang sana maging totoo siya. Sana mai-showcase niya yung real her in front of the people kasi yon lang naman yung mapi-feel ng tao, ng audience, ng judges. Kapag nagawa  niya yon, yon na yon.

“Napanood ko kasi siya sa Binibini, eh. Ang galing niya talagang mag-perform – performance level talaga. Kapag sinabi mong pitik, ‘Pak!’ pipitik talaga siya. Sabi ko, ‘Oh, my God ang galing nito.’At saka kahit sa Q and A dire-diretso siya, kaya niyang dalhin, ang galing,” pahayag pa ni Maxine.

Ayon naman kay Gloria Diaz, posibleng makalusot si Gazini.

READ: Miss Universe Watch: Gazini Ganados, sumabak na sa kabi-kabilang Miss Universe activities

“You know, I was a judge when she won, so baka makalusot. I mean, it’s all luck, hindi pagandahan lang. Suwerte-swerte lang yan, pana-panahon. It can happen,” reaksyon niya. 

Eh, sa pagkakaroon ng back-to-back Miss Universe, posible din ba ito?

“Something can happen. Bakit, nangyari na nga yon noon but we’ll never know. At least hindi dito sa Pilipinas ang contest, there’s a bigger chance. Kung dito, medyo… Maganda siya, maganda siya,” pahayag pa ng kauna-unahang Miss Universe ng Pipinas.