Asawa ni Matt Evans, arestado sa kasong estafa

Inaresto ang asawa ni Matt Evans na si Riza Katrina Evans sa kasong estafa.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/6/2019 12:20 PM
Asawa ni Matt Evans, arestado sa kasong estafa


Inaresto ng Makati City Police ang asawa ni Matt Evans na si Riza Katrina Evans nitong Huwebes, Disyembre 5, sa kasong estafa.

Ayon kay Makati City Police chief Col. Rogelio Simon, pansamantalang nakalaya si Evans matapos magpiyansa na nagkakahalagang P30,000.

Ayon naman sa ulat ng Inquirer.net isinampa ni Arran Lester Galvan ang kaso laban sa asawa ng aktor matapos niya itong hikayatin na mag-invest umano sa isang production company.

Nakalagay din sa reklamo ni Galvan na panloloko umano ito dahil hindi pala siya konektado sa nasabing production company at wala rin daw pahintulot ang kumpanya na mag-solicit si Evans.

Nito lamang Oktubre ay inamin naman ng aktor na kasalukuyan nilang hinaharap ang problemang pinansyal matapos silang ma-scam sa halagang aabot sa halos P6 milyon.

Read: Asawa ni Matt Evans, nawalan ng halos P6 milyon dahil sa scammer

“Parang sa amin lang andyan na 'yan e, pinagpasa-Diyos mo na, pero kailangan mo pa rin kumilos,” ayon kay Matt.