• Home
  • Fresh Scoops
  • Daria Ramirez, muling tumanggap ng Best Supporting Actress Award matapos ang halos apat na dekada

Daria Ramirez, muling tumanggap ng Best Supporting Actress Award matapos ang halos apat na dekada

Tinanggap ni Daria Ramirez ang Best Supporting Actress Award sa naganap na 37th Luna Awards.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

12/5/2019 11:55 AM
Daria Ramirez, muling tumanggap ng Best Supporting Actress Award matapos ang halos apat na dekada


Malaki ang pasasalamat ng veteran actress na si Daria Ramirez matapos tanggapin ang kaniyang bagong parangal bilang Best Supporting Actress para sa kaniyang pagganap sa Signal Rock.

READ: KILALANIN: Ang mga nagwagi sa 37th Luna Awards

Sa naganap na awards night ng 37th Luna Awards, inamin ng aktres na hindi niya inaakala na makakakuha siya ng bagong award, matapos ang huli niya noong taong 1981 pa, mula sa Gawad Urian Awards para sa pelikulang Aguila.

“Thank you so much. I’m so surprised. Hindi ko po ine-expect ito tonight. Swerte pala kapag labas yung cleavage ko,” biro ng aktres.

Gumanap bilang ina ng lead character si Daria sa award winning film na Signal Rock.

 

 

LOOK: Showbiz luminaries at the 37th Luna Awards

Bukod sa Best Supporting Actress, nakatanggap din ng Best Director si Chito S. Roño para sa parehong pelikula.