TINGNAN: Sexy photo ni Judy Ann Santos, hinangaan

Hindi lang ang kanyang fans kundi maging ang kanyang mga kapwa artista ang hindi mapigilang mag-react sa sexy photo ng Kapamilya actress na si Judy Ann Santos.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/4/2019 3:42 PM
TINGNAN: Sexy photo ni Judy Ann Santos, hinangaan


Photo credit: @ryan_agoncillo IG

Hindi lang ang kanyang fans kundi maging ang kanyang mga kapwa artista ang hindi mapigilang mag-react sa sexy photo ng Kapamilya actress na si Judy Ann Santos.

Sa Instagram nitong Martes, ibinida ni Judy Ann ang kanyang sexy figure sa retratong kuha ng kanyang asawa na si Ryan Agoncillo.

“baby’s got blue skies up ahead,” ani ng television host at aktor sa caption.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

baby’s got blue skies up ahead

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

 

Kabilang sa mga celebrities na humanga sa 41-year-old star ay sina Bea Alonzo, Iza Calzado, Camille Prats, Ogie Alcasid, Michael V, Gladys Reyes, Zsa Zsa Padilla, Angelica Dela Cruz, at Paolo Ballesteros.

“Hang sexy sis [Judy Ann]! Parang magkakaron kasunod si Luna,” ani ng kanyang “Mara Clara” co-star na si Gladys.

Si Luna, 3, ay bunsong anak nina Judy Ann at Ryan. Mayroon pa silang dalawang anak na nagngangalang Yohan, 15, at Lucho, 9.

“Hot!!!!!” saad naman ni Bea.

Napapanood gabi gabi si Judy Ann, na tinaguriang Queen of Teleserye, sa primetime series na “Starla” pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”