• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo, inaming nag-alangan sa joint concert nila ni Regine Velasquez

Sarah Geronimo, inaming nag-alangan sa joint concert nila ni Regine Velasquez

“Grabe ‘yung pressure!” pag-amin ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/4/2019 3:27 PM
Sarah Geronimo, inaming nag-alangan sa joint concert nila ni Regine Velasquez


Inamin ni Sarah Geronimo na nag-alangan siyang tanggapin ang malaking “hamon” na makasama ang kanyang idol na si Regine Velasquez sa iisang concert.

Photo Credit: ABS-CBN News

Ito ay kaugnay ng kanilang inaabangang pagsasama sa malaking entablado para sa kanilang kauna-unahang joint concert na pinamagatang "Unified", sa produksyon ng Viva Live.

“At first po, sobrang hesitant, kasi siyempre si Ms. Reg ‘to. My gosh, grabe ‘yung pressure!” ani ng tinaguriang Popstar Royalty sa panayam ng ABS-CBN News sa sidelines ng kanilang photo shoot para sa Valentine event.

Ngunit ayon kay Sarah, hindi niya mapapalampas ang pagkakataon na makasama ang isa sa may pinaka-malaking impluwensiya sa kanya bilang isang manga-awit.

“Si Ms. Reg, napakalaking bahagi po ng journey ko sa industriya. Ika nga ni Ms. Reg, siya po ‘yung nagluwal sa akin sa industriyang ‘to. Napakasarap sa pakiramdam na makasama ko siya sa concert,” ani ng 31-year-old star, na unang sumikat matapos manalo sa 2003 singing competition show na “Star for A  Night” kung saan host si Regine.

Ayon naman kay Regine, noon pa man ay nakitaan na niya ng potensiyal si Sarah na balang araw ay maging isang superstar.

“Noong tumungtuong siya sa stage, I was backstage, dressing up, ‘pag tingin ko, ‘Oh my God, we have a winner,’” aniya.

“I think nakakakita ako ng aura. Noong nakita ko siya, nakita ko, meron siyang shine, meron siyang kislap. Ganoon ata ‘yung aura, and I saw that. In my heart, I didn’t just see a winner, I saw a superstar. And she is. Tama naman ako, ‘di ba? Nakita ko talaga ‘yon!”

Ikinatuwa naman ni Regine na sa kabila ng kanyang 16 taon na karera ay hindi kailanman nagbago ang nakababatang singer.

“She has never changed. Kahit ang layo-layo na ng narating niya, superstar na siya, she’s the same. The way she treated me, she’s the same. Nahihiya pa rin siya hanggang ngayon,” aniya.

Nang tanungin naman kung sa tingin niya ay naabutan na ni Sarah ang kanyang status bilang isang music icon, ang sagot ni Regine: “Hindi naman nga. Siya na nga, e! Wala na, e, siya na nga ‘yung nandoon!”

“Hindi po, Ms. Reg,” ani naman ni Sarah. "Wala pong makakapantay sa inyo.”

Nakatakdang ganapin ang “Unified” concert sa Pebrero 14 at 15, 2020 sa Araneta Colisuem, Quezon City.