Patricia Javier wins as 2019 Noble Queen Universe

Wagi sa naganap na 2019 Noble Queen of the Universe ang dating sexy actress na si Patrica Javier o Genesis Canlapan-Walcher sa tunay na buhay.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/4/2019 4:04 PM
Patricia Javier wins as 2019 Noble Queen Universe


Photo credit: @patriciajavier1 IG

Wagi sa naganap na 2019 Noble Queen of the Universe ang dating sexy actress na si Patrica Javier o Genesis Canlapan-Walcher sa tunay na buhay.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Patricia ang kanyang bagong tagumpay sa larangan ng beauty pageant.

“Thank you so much to all my family, friends and followers for all your prayers and full support with my journey” pasasalamat ng aktres.

 

 

Pangunahing adbokasiya ngayon ni Patricia ang pagsusulong ng libreng edukasyon para sa mga kababaihan.

READ: Patricia Javier sasabak muli sa beauty pageant

Bukod kay Patricia, itinanghal naman bilang Noble Queen International si Marie France Papin Carrion ng Bicol, Noble Queen Globe  Beau Singson Villanueva ng Australia, Noble Queen Tourism Anna Rabtsun Baylosis ng Russia at Noble Queen Earth Jill Chapman ng West Coast, USA.

Samantala, runners up naman sila - Ritchell Catt ng Guam at Sylvia Kim ng Korea.

Ito na ang ikalawang korona ni Patricia matapos siyang itanghal bilang Mrs.Universe 2018.