Miles Ocampo, hindi na kailangang mag-audition para sa role niya sa Write About Love | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Miles Ocampo, hindi na kailangang mag-audition para sa role niya sa Write About Love

Miles Ocampo, hindi na kailangang mag-audition para sa role niya sa Write About Love

Edo Daria

Clipboard

Sa apat na lead characters ng pelikulang Write About Love, tanging si Miles Ocampo lang daw ang hindi na pinag-audition ni Direk Crisanto Aquino.

Sa naganap na media conference nitong Lunes, December 2, sinabi ni Crisanto na wala na siyang ibang nakikitang aktres kundi si Miles, para gumanap na lead role.

“Kasi writer din siya e. Match na match e, tapos no boyfriend since birth. So para sa kaniya talaga,” ani ng direktor.

Tungkol ang sa isang aspiring screenwriter na sinusubukang magsulat ng isang love story, sa kabila ng pagiging NBSB, o No Boyfriend Since Birth.

ADVERTISEMENT

Makakatambal ni Miles sa pelikula si Rocco Nacino.

“Sobrang relate ako, sabi ko nga kay Direk Cris, parang kwento ‘to ng buhay ko. Pero ‘yun nga po dito sa pelikulang to mas tataas ang respeto ng mga manonood sa mga taong behind the camera,” pahayag naman ni Miles sa press.

Tulad ng kaniyang karakter sa pelikula, isang aspiring writer din si Miles. Kasalukuyan siyang kumukuha ng kurso sa Creative Writing sa University of the Philippines.

Bukod doon, nakatapos din si Miles ng isang scriptwriting workshop ni Ricky Lee, kung saan ay nakabuo siya ng isang full-length na screenplay.

"Gusto kahit makapasok lang sa Top 5. Hindi naman pong masamang mangarap. Pero sana mabigyan po ng chance itong movie namin," masayang pahayag ni Miles nang tanungin kung nape-pressure ba siya sa darating na Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.